Tatay ni James Reid tinawag na ‘basura’ ang balitang ‘for good’ na ang anak sa US
James Reid
TINAWAG na “basura” ng tatay ni James Reid na si Ginoong Malcolm Reid ang balita na kaya umalis patungong Amerika ang anak ay para makipagsapalaran sa kanyang international singing career na hindi nag-prosper dito sa Pilipinas.
Nag-post ng larawan si Ginoong Malcolm sa Instagram kung saan magkasama sila ni James na kuha noong ihatid ang binata sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nu’ng gabing umalis ito patungong Amerika.
Ang caption ni @malreid1, “With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it. Anything else is basura … sorry to disappoint the fake newsmakers.”
Nasulat namin dito sa BANDERA nitong Peb. 16 ang ginanap na padespedida party sa singer-actor ng mga kaibigan niya at ang nakalagay sa kanyang cake ay, “Bon Voyage” at “Goodluck James Reid.”
View this post on Instagram
Halos iisa ang komento ng netizens na sinabihan siya ng “good luck” ng mga kaibigan dahil daw sa bago niyang career sa Amerika.
Ayon kay @itsmesharani, “James, I hope you could have a collaboration with Mark Tuan.” Ang tinutukoy niyang Mark Tuan ay ang kilalang American rapper, singer, songwriter at modelo at miyembro ng South Korean boy group na Got7.”
Say naman ni @roxanne.diana, “Sending all my love to you @james. Goodluck on your new journey. Break a leg.”
May follow-up story kami kahapon na nakarating na si James sa Los Angeles base sa video post ng supporter niyang si @jamesreidroyals na nakaabang sa kanya sa airport at binigyan pa siya ng welcome gift.
Bumati si James sa kumuha ng video, “What’s up @reidersofficial and Royals, I landed safely. Back here in LA.”
Sa nasabing IG account ni @jamesreidroyals ay pinost niya ang video na palabas ng gusali ng airport ang aktor dala ang isang maleta at dito na kami naghinala na hindi siya magtatagal sa Amerika.
Kaya nasulat namin kahapon na mukhang may trabaho lang na gagawin si James sa US at hindi siya magtatagal tulad ng mga nasulat na for good na siya dahil kung talagang doon na siya maninirahan ay bakit isang maleta lang ang bitbit niya?
Kung sa Amerika nakatira ang pamilya ni James ay puwedeng iyon ang isipin namin kung bakit konting gamit lang ang dala tutal tagaroon naman sila, pero sa Australia na naka-base ang Reid family.
At nandito sa bansa ang ama ng binata kaya malamang siya ang bahala sa bahay ng anak habang wala ito.
Anyway, medyo matabil ang dila ng daddy ni James sa sinabi niyang “basura” kaya ang reaksyon ni @iamyourvegantita sa kanya ay, “Taray ni Tatay!!!”
Sagot naman ni @jaynadznation, “Spoken like a true Aussie, straightforward and true!”
Tumawang komento ni @lemonlimesoda, “Hahahaha! Daddy M saying ‘basura’ is a mood. Thank you for being a good dad to James.”
https://bandera.inquirer.net/305920/sayang-na-sayang-ang-loveteam-nina-james-at-nadine-cristy-fermin
https://bandera.inquirer.net/290655/james-reid-hindi-pa-rin-nabebenta-ang-bahay-umaasang-may-chance-pa-kay-nadine
https://bandera.inquirer.net/305805/james-reid-tuluyan-nang-iiwan-ang-pinas-itutuloy-ang-singing-career-sa-amerika
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.