'Sayang na sayang ang loveteam nina James at Nadine!' — Cristy Fermin | Bandera

‘Sayang na sayang ang loveteam nina James at Nadine!’ — Cristy Fermin

Reggee Bonoan - February 17, 2022 - 06:44 PM

James Reid at Nadine Lustre

SOBRANG nanghihinayang si Nanay Cristy Fermin sa nangyari sa career ni James Reid na umalis na lang ng Pilipinas kagabi patungong Amerika para doon magkipagsapalaran.

Ngayong hapon, sa radio program nitong “Cristy Ferminute” ay tinalagay ng batikang manunulat ang kinahinatnan ng karera ng dating karelasyon at ka-loveteam ni Nadine Lustre.

“Alam mo, ito ‘yung karerang sayang na sayang lalo na ‘yung loveteam nila ni Nadine, sayang na sayang,” bungad ni ‘Nay Cristy.

Ang loveteam nina James at Nadine na JaDine ay nakikipagsabayan na noon sa KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla gayun din sa LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Binulabog ng programa ng JaDine na “On The Wings of Love” ang mundo ng telebisyon at ilang programa rin ng ibang TV network ang pinadapa nito sa ratings game na pati sa iba’t ibang bansa ay talagang inabangan ito at katunayan ay kaliwa’t kanan din ang mga imbitasyon kina James at Nadine sa ibang bansa para mag-show.

Sinong mag-aakala na sa isang iglap ay mawawasak ang JaDine loveteam? Masasabi bang si James ang dahilan kaya nawala ang loveteam nila ni Nadine?

Sa pagpapatuloy ni Nay Cristy, “Itong si James, siya ang naunang umalis sa Viva. Umalis siya sa Viva thinking na kakayanin niyang mag-isa ang karera niya.

“Dumating siya sa Viva na may kasamang auditor na may dalang calculator na kasama niya ang tatay niya at may isa pang lawyer kasi nagkuwentahan sila ng Viva Artist (Agency).

“Para sa kanya (James) malaki raw ‘yung kinukuhang komisyon. E, Romel (sabi niya sa kanyang co-host) naman, ang Viva naman ang gumagastos sa lahat (ng) pictorial, promo at sila ang humahanap ng proyekto lalo na ang mga TVC ‘yung commercial. 

“E, bakit naman hindi kukuha ng komisyon, e, sila ang namumuhunan, so, umalis siya.  Matapos ang ilang buwan, si Nadine naman ang nagtangka hanggang sa nagkademandahan. Sayang itong si James Reid napakaguwapong bata, magaling kumanta,” ani Nay Cristy.

Komento naman ni Romel, “Opo nakakalungkot lang ‘yung nangyari sa kanya, ako gusto ko ‘to kasi iba rin ang appeal nito ‘nay!  Actually, pang international ang appeal niya kaya ‘yung mga kababayan natin sa abroad nakukuha niya.”

“Laking Australia itong si James Reid. Hindi ba kung minsan ‘yung artistang parang suplado malakas ang dating, ‘yung mailap iyon ‘yung gusto mong diskubrehin, di ba?  Ito ganu’n may mystery ‘to.

“Hindi siya palaano (bati) sa mga fans, hindi siya ganu’n (pero) nagpapasalamat, kumakamay, nagpapahalik pero alam mo pa rin ‘yung mailap. Sayang, sinayang niya ‘yung pagkakataon. Ang ganda-ganda ng takbo ng loveteam nila ni Nadine Lusrte,” dagdag kuwento pa ng radio host.

View this post on Instagram

A post shared by Arthur Tan (@mr.arthurtan)


Naikuwento rin ni Romel Chika na ipinaglaban ng JaDine fans ang dalawa para maging matatag sana ang samahan ng dalawa. “Hindi nagwagi ang fans, hindi nila sinunod ang tibok ng fans.”

Sapantaha naman ni ‘Nay Cristy, “Kapag nauna kasi ‘yung pagdududa, pag nauna ‘yung angas, pag nauna ‘yung hindi pakikisama doon sa kumpanyang nag-aalaga sa kanyang karera talagang ganito kauuwian.”

Dagdag pa ni Romel Chika, “Saka natatakot ‘yung mga kumpanyang kunin siya kasi may ganyan (isyu), sandali? Bakit kinukuwestiyon mo, e, pinapasikat ka namin, magkakaroon ka ng (proyekto). O, kapag wala kang management wala kang mapupuntahan, eh.”

Nu’ng nasa Viva pa si James ay kaliwa’t kanan ang projects niya na pagbukas mo ng telebisyon ay puro James Reid at Nadine lalo na ang aktor, sabi ni Nanay Cristy.

“’Yun nga lang hindi siya gaanong magaling sumayaw, mukha-mukha na lang ang labanan, di ba? Kasi ano siya, isang puno na maraming sanga malaki ang mga dahon pero maliit ‘yung pinakapaa,” obserbasyon pa ng radio host.

Dagdag pa, “Sana matagpuan niya ang hinahanap niya sa Amerika.”

Wala ring ideya si ‘Nay Cristy kung nabenta na ang bahay ni James Reid na nagkakahalaga ng mahigit sa P80 million.

“Eighty million ‘yun sa Loyola Grand Villas, e, sa panahon ngayon ng pandemya kahit nga eight million, e, napakahirap hanapin,” saad pa ng manunulat.

https://bandera.inquirer.net/305805/james-reid-tuluyan-nang-iiwan-ang-pinas-itutuloy-ang-singing-career-sa-amerika

https://bandera.inquirer.net/282224/tambalang-lovi-rocco-may-magic-pa-rin-mikee-kelvin-ibinuking-ang-sikreto-ng-loveteam

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301392/hirit-ni-janno-pasko-na-po-tigilan-nyo-na-iyang-bold-mahiya-naman-kayo-sa-mga-anak-nyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending