Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age
DIRETSAHAN pero magalang pa rin ang naging sagot ng aktres na si Sunshine Cruz sa isang netizen na pumansin sa paraan ng kanyang pananamit.
May in-upload kasing TikTok video ang aktres sa kanyang Facebook account noong Miyerkules, March 16.
Ani Sunshine, “I forgot to reshare this here. Taken a few week weeks ago. This is me after doing errands at home.”
Pagpapatuloy niya, “Tiktok can also be a form of exercise sa mga mommies like me. Salamat sa aking mga anak for introducing me to tiktok.”
Makikitang naka-crop top ang aktres at naka-shorts na maikli.
Umani ng libo-libong komento ang post ng aktres pero hindi pa rin talaga mawawala ang negatibong komento.
Isang netizen ang pumuna sa damit ni Sunshine at sinabing hindi raw ito naaangkop sa kanyang edad.
“Aywan katanda na ang attire parang teenager…” comment ng netizen.
Kalmadong sagot ni Sunshine, “Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age.”
Dagdag pa niya, “Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama.”
Marami naman ang pumanig at sumuporta kay Sunshine.
Sa panibagong post kahapon ay ibinahagi ng aktres ang screenshot ng comment ng netizen at ilang mga photo quotes ptungkol sa pananamit.
Saad ni Sunshine sa caption, “Ladies! Wear clothes that make you happy and feel pretty. That’s all that matters.
Dagdag pa niya, “Women should empower each other instead of being so hateful, envious of one another.”
View this post on Instagram
Related Chika:
Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila
Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging ‘take one’, I’m really impressed!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.