Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging 'take one', I'm really impressed! | Bandera

Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging ‘take one’, I’m really impressed!

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 08:07 AM

Sunshine Cruz at Barbie Forteza

BILIB na bilib si Sunshine Cruz sa galing ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza bilang isang aktres.

Hindi lang ang talento ni Barbie ang hinahangaan at pinupuri ni Sunshine kundi pati na rin ang pagiging professional nito at ang pakikisama sa mga katrabaho.

Magkasama ngayon ang dalawa sa hit Kapuso series na “Mano Po Legacy: The Family Fortune” na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Ayon sa aktres, “‘Yung makasama sina Barbie sa project na ito, napakagaling! Si Barbie Forteza, sobrang perfect siya as ‘yung aking pinagkakatiwalaan dito na secretary. 

“Ang galing, laging ‘take one’ at saka puro monologues ha. I am really impressed sa kanya,” pagbabahagi ni Sunshine sa panayam ng media kamakailan.

Isa si Barbie sa mga young Kapuso stars na marami nang maipagmamalaking acting awards, kabilang na riyan ang kanyang Best Actress trophy sa 2016 Fantasporto, isang international film festival sa Portugal.

Samantala, inamin din ni Sunshine na kahit ilang taon siyang umaarte sa pelikula at telebisyon at inaatake pa rin siya ng kaba dahil sa kanyang mga eksena.

Lalo na raw dito sa “Mano Po Legacy: The Family Fortune”, “I always give my effort, my best effort, in everything that I do kasi.

“To be able to work with the likes of Ms. Maricel Laxa ang tita Boots Anson Roa, grabe, every scene talaga ninenerbiyos pa rin ako kasi ang huhusay nila. 

“Ako mismo, kapag kaeksena ko sila parang kinikilabutan din talaga ako,” pahayag pa ni Sunshine.
In fairness, napakarami raw niyang natutunan sa mga co-stars niya sa serye, mapa-veteran man o mapa-bagets.

“I know na ang dami-dami ko pang kailangang i-improve when it comes to acting, when it comes to my craft. Every scene is a learning process for me,” sey pa ng Kapuso actress.

View this post on Instagram

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


Dagdag pang pahayag ni Sunshine, “For me, lahat ng binibigay na proyekto, I give my everything. Of course, minamahal ko talaga ang trabaho ko. 

“Gusto ko lang na makilala si Sunshine as someone na laging pinagbubutihan lahat kung ano ‘yung ipinagkakatiwalang proyekto sa kanya,” sabi pa ni Sunshine.

Simula sa Feb. 7, mapapanood na ang “Mano Po Legacy: The Family Fortune” sa mas maagang timeslot na 8:50 p.m. sa GMA Telebabad bilang Chinese New Year treat ng GMA at Regal Entertainment sa mga manonood.

https://bandera.inquirer.net/302821/barbie-jak-mas-naging-solid-pa-ang-relasyon-kasal-na-lang-daw-ang-kulang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/284035/julie-anne-kering-kering-magdrama-at-magpatawa-ritken-maraming-pasabog-bilang-mag-asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending