Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila Bandera

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Ervin Santiago |May 06,2021
share this

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Ervin Santiago May 06, 2021 - 09:15 AM

AMINADO si Sunshine Cruz na namana ng kanyang mga anak ang talento sa pag-arte ng kanilang tatay na si Cesar Montano.

Hindi nagdamot ang Kapamilya actress sa pagbibigay ng kredito sa dati niyang asawa pagdating sa pagiging natural na aktres ng kanyang mga anak.

Sa panayam ng ilang members ng entertainment media kay Sunshine kamakailan, natanong siya kung paano niya gina-guide ang mga anak ngayong nasa showbiz na rin ang nga ito.

Unang nagkuwento ang aktres tungkol kay Sam dahil nagugulat na lang daw siya kapag nakakarinig ng mga komento mula sa mga kasamahan nila sa industriya, pati na sa mga staff and crew ng production.

“When it comes to that, I think wala naman akong problema. Kasi lahat ng nakakausap ko sa ABS-CBN na nakakatrabaho ni Sam, sinasabi nila sa akin na paborito daw nila si Sam kasi sobrang friendly, sobrang machika,” simulang tugon ng aktres tungkol sa anak na isa na rin ngayong Star Magic talent.

“So, sabi ko nakakatuwa naman itong anak ko. I guess nakikita rin naman niya sa akin na friendly naman ako. I think ‘yung pakikisama, wala akong magiging problema sa kanya,” sabi pa ng “Bagong Umaga” actress.

“Sinasabi ko lagi sa kanya to just be yourself. At saka important siyempre ‘yung marunong ka makisama, marunong ka rumespeto hindi lang ng mga kapwa mo singers or artista, kundi ‘yung mga nakakahalubilo mong staff and crew,” pahayag pa ni Shine.

Looking forward din daw siya na makatrabaho si Sam sa isang project in the future. Nakasama na kasi niya sa isang TV commercial ang pabganay na anak na si Angelina.

“It would be an honor and I’ll be very, very excited to work with my children. Ibang klase rin kasi yung feeling na kasama mo sila habang nagwo-work.

“Kahit si Angelina nakatrabaho ko na siya sa TVC and nakakatuwa kasi nagpapaka-stage mother pa ako na, ‘Anak, ganito umiyak.’ Eh ang bilis naman pala umiyak ng anak ko,” kuwento pa ni Sunshine.

Dito nga niya nabanggit na ang talent ng kanyang mga anak sa pag-arte ay nakuha nila sa amang si Cesar. Hindi naman daw niya ito pwedeng idenay dahil alam naman ng lahat ang kartada ni Cesar bilang aktor.

“I guess it’s because napakahusay din naman na artista ng kanilang ama. Nakuha nila ‘yun and nakikita rin naman nila sa akin yung pagtitiyaga ko at hindi ako tumitigil na matuto,” pahayag pa ni Sunshine.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending