Hugot ng ina ni Gigi, 'Sana nu'ng nasa tiyan ka pa lang, pinatay na kita'

Gigi sinabihan ng ina, ‘Sana nu’ng nasa tiyan ka pa lang, pinatay na kita’

Ervin Santiago - September 12, 2024 - 12:10 AM

Gigi sinabihan ng ina, 'Sana nu'ng nasa tiyan ka pa lang, pinatay na kita'

Gigi de Lana at Imelda de Lana

Babala: Sensitibong paksa

HINDING-HINDI makakalimutan ng Kapamilya singer-actress na si Gigi de Lana ang pinakamasakit na salitang sinabi sa kanya ng yumaong ina.

Ilang beses napaiyak ang dalaga sa panayam sa kanya ng TV host-actress at content creator na si Toni Gonzaga para sa YouTube channel nitong “Toni Talks.”

Sa isang bahagi ng vlog, napag-usapan ang tungkol sa mga magulang na walang sawang nagpapaalala at nagpapayo sa mga anak para sa ikabubuti ng kanilang buhay.

Baka Bet Mo: ‘Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?’ – Xian Gaza

“Alam mo, yung mga sinasabi sa atin ng mga magulang natin, hindi natin makakalimutan yan. The good and the bad.

“Ano yung pinakamagandang nasabi sa ‘yo ng mommy mo? Naaalala mo?” ang tanong ni Toni kay Gigi.

“Lagi ka magdasal, lumingon ka sa pinanggalingan mo. Mahalin mo lahat ng taong nakapaligid sa ‘yo,” ang tugon ni Gigi.

Sunod na question ni Toni sa dalaga, “Pero ano naman yung ’di mo malilimutan na nasaktan kang nasabi sa ‘yo ng nanay mo?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sana hindi na lang kita ipinanganak. Sana nu’ng nasa tiyan pa lang kita, pinatay na kita,” ang nakakagulat na rebelasyon ni Gigi tungkol sa pag-uusap nila noon ng inang si Imelda de Lana.

“Bakit niya sinabi yon?” ang tanong uli ni Toni sa singer-actress.

Paliwanag ni Gigi, “Nu’ng time na yun, naging pasaway ako, lalo na nu’ng nag-start ako maging teenager.”

Nauna rito, inamin ni Gigi na napakasakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ng kanyang nanay, “Sa ngayon Ate (Toni) hindi ko alam para akong naliligaw pa rin until now lalo na nu’ng nawala ang mom ko.

“At saka nu’ng nawala si Mama ‘yung mundo ko sobrang bigat para akong inalisan ng kaluluwa sa katawan ko kasi siya lahat everytime na kumakanta ako siya ‘yung motivation ko para sa kanya lagi until now,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Gigi de Lana sa namayapang ina: Hirap ako Ma…ang sakit-sakit!

Ang huling pag-uusap daw nina Gigi at ng namayapang ina sa pamamagitan ng video call ay noong nasa Canada siya kung saan may concert siya kasama ang Gigi Band at nakitang hirap na hirap na ang ina dahil bloated na ito sa sakit nitong kanser.

Pagkababa ng cellphone ay naligo na si Gigi at nanalangin siya ng, “Lord okay na po, kunin mo na siya.”

Nagulat si Toni, “Huh? Bakit mo sinabi yun?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GIGI (@gigidelanaofficial)


“Hirap na hirap na siya ate Toni. Alam mo ‘yung face niya, namamaga na in pain. After ko maligo may tumatawag na pagkasagot ko lahat sila (sa kabilang linya) lahat sila nag-iiyakan na alam ko na (garalgal ang boses).

“Shocked ako and then ‘yung Mama ko nawala na…” pigil ang luhang sabi ni Gigi.

“Yun ‘yung huling sinabi mo kay God okay ka na,” paalala ni Toni.

“Pero nu’ng nawala hindi pala, hindi ako okay, hindi ako okay (naging emosyonal na) until now. Sinisisi ko kasi ang sarili ko ate kung bakit siya lumala (kanser) ng ganyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi wala akong pera una, hindi ko siya mapagamot mag-isa lang ako, eh at siya lang din ‘yung lakas ko, siya lang,” umiiyak pang pahayag ni Gigi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending