Resbak ni Awra sa mga tumawag sa kanya ng 'baktol' at 'bato-bato': 'Apaka daming perfect, akala mo ang popogi at ang gaganda' | Bandera

Resbak ni Awra sa mga tumawag sa kanya ng ‘baktol’ at ‘bato-bato’: ‘Apaka daming perfect, akala mo ang popogi at ang gaganda’

Ervin Santiago - February 22, 2023 - 06:28 AM

Resbak ni Awra sa mga tumawag sa kanya ng 'baktol' at 'bato-bato': 'Apaka daming perfect, akala mo ang popogi at ang gaganda'

Awra Briguela

KUNG may mga pumuri at napa-wow sa mga bikini photos ni Awra Briguela sa social media meron ding mga “la primera laitera” na nang-okray sa kanya.

Grabe kung makapanglait ang naturang netizens kay Awra na akala mo’y mga walang bahid dungis at anumang kapintasan sa katawan.

Ang tinutukoy namin ay ang mga nang-alipusta sa beach photos ng Kapamilya youngstar kung saan ibinandera nga niya ang kanyang sexy photos suot with her colorful two-piece bikini.

Kuha ito noong nagbakasyon siya sa La Union kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan. Ipinost niya ito sa Instagram at Twitter last February 18.

Sa pagbuhos ng mga magaganda at nakaka-inspire na komento mula sa kanyang followers ay may ilan ngang nang-okray sa kanyang katawan at itsura, kasabay ng panghihiya sa kanya bilang member ng LGBTQIA+ community.

Ilan sa mga panghihiya kay Awra ay mga komentong “bato-bato” ang katawan, pagtawag sa kanya ng “Raul” na pangalan ng lalaki, panlalait sa kanyang body parts tulad ng puwet at kili-kili, at pagtawag sa kanya ng “baktol,” “daks” at “oten.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


Nagkomento ang laiterang basher sa art card ng isangvwebsite na may headline na, “Awra may pa-puwet, pinagkamalang si Nadine Lustre, “Wow naman Nadine talaga he he wag naman malayo e.”

Unang tweet ni Awra sa hater, “Kaya hindi na ako nagamit ng facebook e, apaka daming perfect na akala mo ang popogi at ang ganda nila. Jusko.”

Post naman ng isa pang basher sa bikini photo ni Awra, “The design is…” na sinagot ng ilang netizens ng, “The design is very maitim ang kili kili,” “The design is very baktol,” at kung anu-ano pang panlilibak sa youngstar.

Resbak naman sa kanila ni Awra, “NALAMAN LANG YUNG WORD NA ‘THE DESIGN’ APAKA DAMI NILANG DESIGN SA BUHAY.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


Kasunod nito, ipinost ni Awra ang screenshots ng profile pics ng ilan sa mga bashers na karamihan ay mga lalaki.

“APAKA POGI NAMAN TALAGA,” ang bwelta ni Awra na sinundan pa ng “BUGSH HEARTTHROB NGA.”

Sa isa pa niyang tweet, mas matindi ang kanyang resbak, “Unattractive men are the homophobic ones.. I asked why?!

“Maybe because they will never accept truth.. TRUTH that i look good – hmm GREAT and BETTER than they will ever be,” hirit pa ni Awra.

Banat ni Sunshine Cruz sa basher na tumawag sa kanya ng lola: Kumain ka…mukha kang gutom

Awra natakot nang tinawagan ng GMA; inakala na scam lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending