Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice | Bandera

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Ervin Santiago |August 08,2021
facebook
share this

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Ervin Santiago - August 08, 2021 - 11:12 AM

Awra Briguela, Coco Martin at Vice Ganda

KUNG may dalawang mahahalagang personalidad na naging inspirasyon ng youngstar na si Awra Briguela sa kanyang career at personal na buhay, yan ay walang iba kundi sina Coco Martin at Vice Ganda.

Ibinandera ni Awra sa madlang pipol na sina Coco at Vice ang isa sa mga dahilan kung bakit talagang kinakarir niya ang kanyang pag-aaral.

Aniya, sa loob ng limang taon niya sa mundo ng showbiz, never siyang huminto sa pag-aaral kahit na napakahirap maging working student.

Kuwento ni Awra sa chikahan nila ng Hashtags member na si Kid Yambao, grabe ang naibigay na tulong at paggabay sa kanya nina Coco at Vice na itinuturing na niyang mga pangalawang magulang.

Kuwento ng bagets, napakarami niyang natutunan sa buhay mula noong kunin siya ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at todo rin ang pagtulong nito para sa kanyang edukasyon.

“Si Kuya Coco rin ‘yung pinakanagturo sa akin sa acting. Like dahil nga bata ako na walang muwang nu’n, nu’ng nagte-taping ako, medyo nahihiya ako sa mga tao nu’n. Siyempre ang daming camera. So, natingin ako kung saan-saan,” pahayag ni Awra.

Dagdag pa niya, “Tinuruan niya sa akin, mata sa mata. Dapat isapuso mo ‘yung mga linya mo ganyan. Tapos si Kuya Coco, support din siya sa akin kung ano ‘yung mga gusto kong gawin sa buhay.” 

“Ako naman kasi, 12 years old ako nu’n eh. Ayokong sayangin ‘yung opportunity. Big star na ‘yung mga kasama ko bigla eh. Coco Martin, Vice Ganda. 

“So, kung ano ‘yung makabubuti sa akin na sinasabi nila na ganito gawin mo, ginagawa ko siya tapos ginagalingan ko talaga,” sabi pa niya.

“And ayokong umasa sa iba na gusto ko tutukan nila ako sa ganito kaya gumagawa ako nang personal growth. Ayokong masayang ‘yung opportunity. Kaya in-adopt ko talaga siya, in-absorb ko siya,” saad pa ng youngstar.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan habang siya’y nabubuhay ang kabaitan, pagmamahal at tiwala sa kanya nina Coco at Vice. 

“Naalagaan talaga ako ni Kuya Coco at ni Ate Vice. Kaya rin nagka-movie kami, ‘yung Super Parental Guardians. Du’n ko nailabas ‘yung totoong ako talaga. Kasi sa Probinsyano, Mac-mac ako na nagtatagong bakla.

“Eh, nu’ng nagsama kami ni Ate Vice, ‘yung mga spaghetti namin, ‘yung mga viral na eksena namin, du’n ‘yung parang, ito talaga ako. ‘Yung gusto ko ‘yung ganitong ganap. 

“Nu’ng time na ‘yun, nabigyan ako ng break kay Meme Vice. After ng Super Parental Guardians, nag-Your Face Sounds Familiar ako and then nagtuluy-tuloy na,” kuwento pa ni Awra.

Dito rin nabanggit ang tungkol sa kanyang pag-aaral, “Never akong nag-stop mag-aral sa buong journey ko sa showbiz. Five years akong nag-aartista, never akong nag-stop mag-aral.” 

Super happy din daw siya kapag pinupuri siya ni Vice sa lahat ng achievements niya sa murang edad.

“So nu’ng nagyo-Your Face Sounds Familiar ako tsaka Ang Probinsyano, siyempre natutuwa si Meme Vice. ‘Ang galing mo daw,’ ganito, ganyan. Magkatabi lang ang studio ng Your Face at It’s Showtime, kaya dinadalaw-dalaw ko,” kuwento ni Awra. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Du’n siya na-proud kasi wala si Ate Vice at Kuya Coco pero nanalo ako ng Your Face Sounds Familiar.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending