Epal na basher durog na durog kay Heart: UL*L...the only word your vocabulary can attain! | Bandera

Epal na basher durog na durog kay Heart: UL*L…the only word your vocabulary can attain!

Ervin Santiago - May 05, 2022 - 09:46 AM

Heart Evangelista at Chiz Escudero

ISANG epal at bastos na basher na naman sa social media ang nang-okray sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.

Talagang ayaw tantanan ng mga haters ang misis ni Chiz Escudero at hanggang ngayon ay patuloy pa rin nila itong ninenega kahit wala namang ginagawang masama sa kanila.

Nito nga lang nakaraang araw, isang netizen na naman ang tumira kay Heart tungkol sa kawalan nito ng anak until now.

Nitong nagdaang Martes, sa kanyang Instagram, nagbahagi ang Kapuso star ng isang video kung saan mapapanood siya habang namimili ng damit na isusuot.

Tuwang-tuwa at aliw na aliw naman ang mga IG followers ng aktres sa mga eksena niya sa nasabing video pero may mangilan-ngilan ding nambasag sa pagpili ni Heart ng OOTD.

Tulad na lang ng isang basher na nagkomento ng, “Para ka ng nababaliw, wala kasing anak na pagka abalahan.”

Hindi naman ito pinalampas ng asawa ni Chiz at talagang sinupalpal din niya nang bonggang-bongga ang pakialamerang basher. Hirit ni Heart, “ULOL. The only word your vocabulary can attain.”

Kinuyog din ng mga supporters ni Heart ang nasabing netizen at pinagsalitaan ito ng masasakit. Ni-like at pinusuan din ng mga fans ng aktres ang panunupalpal niya sa hater.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Ilang beses nang nakatanggap ng malilisyosong komento si Heart patungkol sa kawalan nila ng anak ni Chiz tulad na lang ng isang netizen na nagtanong ng, “Ba’t ‘di kayo magkaanak?”

Sagot ng aktres, “Ayoko eh. Didn’t anyone teach you manners? I mean, you know what? I mean, if I am not sad about it, why are you even?”

Ito naman ang banat niya sa isa pang nang-uurot sa hindi pa rin nila pagkakaroon ng anak ni Chiz, “Kulit ha. Chill. Not your uterus.”

Ipinagdiinan pa niya na, “Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. My goodness. What are you going to do when your kids have their own lives?”

Ikinasal noong 2015 sina Heart at Chiz at matatandaan na dalawang beses nakunan ang aktres tatlong taon na ang nakararaan.

https://bandera.inquirer.net/295705/sharon-sa-mga-negatron-2016-pa-natin-alam-sumobra-na-ang-pambabastos-sa-kapwa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298022/mccoy-naka-relate-sa-life-story-ni-yorme-titirahin-ka-ng-masasakit-na-salita-durog-na-durog-ka
https://bandera.inquirer.net/306413/cristy-fermin-tinawag-na-epal-ang-ama-ni-james-reid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending