Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo Bandera

Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

Therese Arceo |October 28,2021
share this

Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

Therese Arceo October 28, 2021 - 01:28 PM

Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

NAGSIMULA na ang taping ng series na “Hello, Heart” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Gigi de Lana.

Ayon sa dalawa, masaya ang naging experience nila sa pagsusimula ng kanilang series matapos ang unang araw ng shooting nila.

Kuwento ni Gigi, maski siya ay nagulat nang malaman na may offer ka sa kanya na bumida sa isang teleserye lalo pa’t isang Gerald Anderson ang kanyang makakatambal.

“Nung narinig ko ‘yung offer ba magkakaroon ako ng serye, nagulat ako. Totoo ba ‘to? Sa puso ko excited, kabado. First time ko e tapos ang ka-partner ko pa Gerald. Mai-intimidate ako agad kahit hindi ko pa siya nakikita kasi ang tagal na niya [sa industriya],” saad ni Gigi.

Amin ni Gigi, nakaramdam siya ng kaba at na-starstruck rin siya nang makita si Gerald lalo na’t beterano na ito sa pag-arte pero kahit na ganun ay ipinakita pa rin niya ang totoong siya.

“Kinakabahan ano. Paano kaya ‘to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin ‘yung totoong ako. ‘Yung tawa ko pinakita ko na, ‘yung kakulitan ko,” sey pa ni Gigi.

Natanong naman sila kung ano ang plano nila after ng kanilang taping.

Ayon kay Gigi, magkakaroon daw sila ng live kasama ang kanyang bandang Gigi Vibes samantalang si Gerald ay magpapahinga raw at pag-iisipan kung magwo-workout rin siya.

Dito nga nagkatawanan ang dalawa dahil hiniling ni Gigi na sana ay katulad niya rin si Gerald na depende sa mood kung dapat bang mag-workout o hindi.

“4 years ka nang wala sa mood di ba?” ganting biro naman ni Gerald.

“Naiintindihan ko naman siya. Siyempre, para sa iba, ‘yung pag-work out parang trabaho rin ‘yun pero sa awa ng Diyos, para sa akin lifestyle. But it’s hard. Sana makapag-inspire pa tayo ng ibang tao na mag-workout,” dagdag ng aktor.

Sisiguraduhin rin daw niya na sa dulo ng kanilang lock-in taping ay makakapagsimula na ang dalaga sa pag-woworkout.

Nang tanungin naman ang katambal nitong si Gerald kung ano ang maipapayo niya kay Gigi lalo pa’t nagsisimula pa lang ito sa industriya, sinabi ng aktor na may stamina ang dalaga sa trabaho.

“Enjoy. Pace yourself. Kailangan mo ng stamina sa trabahong ito. Meron pa tayong 3 days then rest then 4 days ulit. So stamina physically and emotionally,” sey ni Gerald.

“Sige, magwo-workout ako,” sagot naman ni Gigi.

“Ako ang coach mo,” balik naman ni Gerald.

Looking forward naman si Gigi na marami pa siyang matutunan sa kanilang teleserye.

“More learning talafa sa genre na ito. More patience din sa sarili ko. Kanina gusto ko na sampalin yung sarili ko kasi parang di ko siya nagagawa. Kailangan ko pang mag-focus. Tiwala sa lahat ng nakakasama ko. Mas ibigay ko pa ‘yung nararapat sa role ko,” saad ni Gigi.

Ang “Hello, Heart” ay ukol sa kuwento ni Heart (Gigi) na magpapanggap na asawa ni Saul (Gerald) alang-ala sa lola nitong may dementia.

Sa ngayon ay wala pang petsa kung kailan ipapalabas ang serye sa iQiyi.

Related Chika:
Gigi de Lana naiyak sa presscon, umaming heartbroken: Recently masyado akong emosyonal…
Gigi De Lana inspirasyon ang ina kaya nagsusumikap: Siya na lang po ang mayroon ako

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending