1 winner ng P223.7-M Ultra Lotto 6/58 jackpot para sa April 6
NAPANALUNAN ng isang bettor ang P223,728,165.20 jackpot sa Ultra Lotto 6/58, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nakuha ng nag-iisang mananaya sa Ultra Lotto 6/58 ang winning combination na 09-11-02-23-26-07 sa naganap na pagbola kahapon, April 6, 2025.
Dahil sa pagtama ng naturang bettor, magbabalik ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 sa initial biggest prize na P49.5 million.
Baka Bet Mo: Epy Quizon never naging sakim: Kaya siguro hindi ako milyonaryo ngayon kahit ang tagal ko nang nagtatrabaho
Matatandaang noong January 5, 2025 ay napanalunan din ng nag-iisang mananaya ang P314.5-million jackpot sa 6/58 draw, base sa record ng PCSO.
Samantala, wala namang nakakuha sa winning combination ng Super Lotto 6/49 na may jackpot prize na P65.9 million, na binola rin kagabi.
Ang susunod na pagbola ay magaganap sa Tuesday, April 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.