Epy Quizon never naging sakim: Kaya siguro hindi ako milyonaryo ngayon kahit ang tagal ko nang nagtatrabaho
“NANINIWALA ako na kapag mabilis pumasok ang pera, like napanalunan mo lang sa sugal, mabilis ding pakawalan.”
Yan ang bahagi ng pahayag ni Epy Quizon nang matanong tungkol sa tema at konsepto ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang drama-thriller na “Greed” na mapapanood na bukas, April 8, sa Vivamax, directed by Yam Laranas.
Sa kuwento, gaganap si Epy bilang si Dadong, ang kapitbahay ng mga karakter nina Nadine Lustre at Diego Loyzaga sa isang liblib na baryo.
“They were keeping it a secret na nanalo sila sa lotto, e kaso natuklasan ko and I demand that they share it with me, leading to some violent consequences. As the film’s poster says, ‘Money is the root of all evil.’ And that’s exactly what the film shows,” pahayag ng veteran actor at anak ng Comedy King na si Dolphy.
Natanong si Epy sa presscon ng “Greed” tungkol dito, “Ako, naniniwalang kapag mabilis pumasok ang pera, like napanalunan mo lang sa sugal, mabilis ding pakawalan. Easy come, easy go. Mas mahirap basta pakawalan ‘yung perang pinaghirapan mo, e.”
Naging sakim na rin ba siya sa tunay na buhay? “Sa family namin, lahat kami, masyadong mapagbigay. We learned it from our dad (Dolphy) na maaga pa, may pumipila talaga para humingi ng tulong sa kanya. It’s not in my nature to be greedy with money.
“Kaya nga siguro hindi ako naging milyonaryo kahit antagal ko nang nagtatrabaho kasi mapagbigay ako at hindi makatanggi kapag may humihingi ng tulong,” natatawa pang sagot ni Epy.
Patuloy pa niya, “What I experienced is emotional greediness. Kasi, 18 kaming mga anak ng daddy namin, so I want more of him sana for our family. E andami nyong kahati so you’ll just do everything kasi gusto mong mapansin ka ng tatay mo.”
View this post on Instagram
Samantala, sakaling manalo siya ng jackpot sa lotto, paano niya gagastusin pera, “If I’d win, the first thing I’d do will be to secure my family’s future, all my loved ones. Para kunin man ako ni God, protektado na ang mga anak ko, lalo na their education.”
Sa tingin niya, ang pagiging greedy ba ay masama o mabuti? “You know, that’s exactly the final question I got in my philosophy class in La Salle — is greed good or bad? I said, there is no right or wrong answer.
“People become greedy when yung kinabukasan ng family niya is under threat. Siempre, your family comes first. If you’re being stingy, then you collect more savings for the future of your family. It just goes back to human nature and how you deal with the world and what comes with it,” paliwanag ni Epy.
Puring-puri naman ng aktor ang co-stars niya sa movie, “They’re both fine actors. Pareho sina Nadine and Diego who have the ability to just switch on and off as actors in playing their roles.
“Nagtatawanan lang ngayon, pero kapag take na, they become their characters right away at kapag cut na, they become their usual selves again. Nadine is very focused and passionate with her craft.
“She really became her role as Kitchie. She can definitely take her acting to the next level. Si Diego naman, it’s not surprising kasi his dad is Cesar Montano, who has won many acting awards,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/287859/epy-quizon-martin-del-rosario-ibinandera-ang-bida-kontrabida-sa-buhay-nila-sino-kaya
https://bandera.inquirer.net/293878/epy-walang-ieendorsong-kaibigan-na-tatakbo-sa-2022-inatake-ng-depresyon-dahil-sa-socmed
https://bandera.inquirer.net/291956/andrea-inggit-nga-ba-sa-baguhang-artista-na-mabilis-sumikat
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.