1 lucky winner ng P75-M jackpot Super lotto 6/49 para sa April 10
WAGING-WAGI talaga ang nag-iisang panalo sa nagdaang 6/49 Super Lotto jackpot prize na nagkakahalagang P75,551,009 nitong Huwebes, April 10.
Ito ay kinumpirma mismo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combinatiom para sa super lotto jackpot ay 40, 36, 20, 1, 35, at 8 in any order na binola noong Huwebes ng gabi.
Baka Bet Mo: 1 winner ng P223.7-M Ultra Lotto 6/58 jackpot para sa April 6
View this post on Instagram
Samantala, isa ring lucky bettor ang nagwagi naman sa 6/42 prize na nagkakahalagang P5,940,000.
Ang winning combination naman para sa 6/42 lotto ay 38, 41, 29, 6, 16, at 25.
Para sa mga masuwerteng nanalo, pinapaalalahanang magdala ng dalawang valid ID pati na rin ang kanilang winning ticket sa pagkuha ng kanilang napanalunan sa PCSO Main Office.
Mayroon lamang isang taon ang mga jackpot winnerd para kunin ang kanilang napanalunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.