Cancer survivor naka-’jackpot’ sa Lotto, nag-uwi ng P50-M: Ako na ‘yata ang pinaka swerteng tao sa mundo! | Bandera

Cancer survivor naka-’jackpot’ sa Lotto, nag-uwi ng P50-M: Ako na ‘yata ang pinaka swerteng tao sa mundo!

Pauline del Rosario - March 17, 2023 - 11:02 AM

Cancer survivor naka-’jackpot’ sa Lotto, nag-uwi ng P50-M: Ako na ‘yata ang pinaka swerteng tao sa mundo!

PHOTO: from PCSO

TILA abot langit sa tuwa ang isang cancer survivor matapos manalo sa Lotto!

Tumama sa Lotto 6/42 ang kanyang mga numero na 26 -14 -11 -08 -07 -22 noong February 28.

Dahil diyan, ang kabuuang jackpot na nakuha niya ay tumataginting na P50,796,013.

“Ako na yata ang pinaka-maswerteng tao sa mundo dahil mahal ako ng Diyos!,” tuwang-tuwang sinabi ng 74-year-old na lotto winner matapos makuha ang kanyang premyo sa PCSO Main Office in Mandaluyong City nitong March 3.

Kwento pa ng lucky winner, taong 1998 pa siyang tumataya sa lotto at ang nagpanalo raw sa kanya ngayon ay ang numero na base sa mga kaarawan ng kanyang pamilya.

“Napakatagal ko ng sumusubok sa lotto, simula 1998 ay tumataya na ako, sey ng cancer survivor.

Baka Bet Mo: Sharon tumaya sa lotto: For the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers

Dagdag pa niya, “Numero ‘yan ng mga kaarawan at buwan ng kapanganakan namin pamilya.”

“Iyang lumabas na numero ay isang taon ko ng inaalagaan,” aniya pa niya.

Nabanggit din niya na isa rin siya sa mga natulungan ng PCSO noong siya pa ay nagpapagamot sa kanyang sakit.

Kwento niya, “Napakalaki ng utang na loob ko sa PCSO dahil noon pa man ay nakakahingi na ako ng tulong sa aking pagpapagamot kasama na ang operasyon ko sa kidney noon 2017.”

Dahil sa napakagandang biyaya na nakuha niya ay lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos.

Ayon pa sa kanya, ang PCSO ang nagsisilbing instrumento upang mapahaba ang kanyang buhay at gumaling sa cancer.

Sey niya, “Maraming-maraming salamat din sa Diyos dahil hindi ako pinabayaan.”

“Ginawa mong kasangkapan ang PCSO para madugtungan ang buhay ko at para mapaganda ang buhay namin ng aking mga anak. Sadyang napakabuti mo Panginoon,” saad niya.

Related chika:

Lassy feeling nanalo sa lotto nang halikan sa ‘nips’ si Kit: Pero nakakatakot, baka sapakin ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Richard Yap pinangarap maging doktor pero kinontra ng tatay: He wanted me to take up a business course

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending