Gigi de Lana nagpagupit ng buhok para sa inang may stage 4 breast cancer: 'Gusto ko po halos parehas kami ng iksi ng hair' | Bandera

Gigi de Lana nagpagupit ng buhok para sa inang may stage 4 breast cancer: ‘Gusto ko po halos parehas kami ng iksi ng hair’

Ervin Santiago |January 31,2023
facebook
share this

Gigi de Lana nagpagupit ng buhok para sa inang may stage 4 breast cancer: ‘Gusto ko po halos parehas kami ng iksi ng hair’

Ervin Santiago - January 31, 2023 - 03:21 PM

Gigi de Lana nagpagupit ng buhok para sa inang may stage 4 breast cancer: 'Gusto ko po halos parehas kami ng iksi ng hair'

Gigi de Lana at Imelda de Lana

MALALIM pala ang dahilan kung bakit nagpagupit ng buhok ang Kapamilya singer-actress na si Gigi de Lana.

Iba’t iba ang reaksyon na nabasa namin mula sa mga netizens nang makita nila ang short hair ni Gigi – may na-impress at nagandahan sa bago niyang hairstyle pero meron ding kumontra at nangnega.

Sa unang pagkakataon ay nagbahagi ang dalaga ng ilang impormasyon hinggil sa rason ng pagpapaikli niya ng buhok. Sinagot niya ang tanong ng isang netizen sa pamamagitan ng TikTok.

Rebelasyon ni Gigi, ginawa niya ito para sa nanay niyang nakikipaglaban ngayon sa cancer.

“Ang daming hindi nakakaalam nito. Mommy ko po may stage 4 breast cancer, maiksi po ang hair niya. So gusto ko po kapag makikita ko siya parehas kami halos ng iksi ng hair,” simulang pagbabahagi ni Gigi.

Saad pa ng singer, “Pero ito po hindi ko po kaya ‘yung semi kalbo o kaya parang boy cut talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


“So ayun po. Para hindi na po kayo magtanong at magsabi sa akin bakit ka nagpagupit. Ayan alam niyo na,” lahad pa ng dalaga.

Kung matatandaan, last year ay naikuwento na ni Gigi sa isang panayam ang tungkol sa pagkakaroon ng cancer ng kanyang inang si Gng. Imelda.

Aniya, isa sa mga naging inspirasyon niya sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging singer ay ang pinakamamahal na ina.

“My mother has a lot of dreams and hopes for me. I want to make at least some of them come true.

“And I want to prove to her that she has been right all along to believe in me even before anyone else ever did.

“She dreamed I’d make it big one day, be seen on huge billboards and all that,” pahayag ni Gigi sa nasabing interview.

Pagbabahagi pa niya, “When I can’t balance my time with work and family, I feel like there’s an empty space inside of me.

“And I don’t want to feel that way. I wouldn’t trade being with her for anything in the world. I love her so much,” dugtong pa niyang pahayag.

Nai-share rin niya ang ilan sa naging daan para sumikat ang kanilang YouTube channel na The Gigi Vibes, kung saan siya nagsimula, “Consistency and hard work talaga. You have to listen to your audience, kung ano ‘yung gusto nila.

“And as much as we can, be as natural. Maging natural. Kung sino kami sa bahay, kung sino kami sa kaibigan namin, kung sino kami sa inyo, ganun dapat. Kasi ‘yung totoo yung hinahanap,” pahayag pa ni Gigi de Lana.

Bwelta ni Gigi de Lana sa nagsabing ‘pumangit ka’ dahil sa short hair: ‘Guys, kahit magpakalbo ako wala tayong magagawa’

Sunshine nagpagupit agad ng hair para sa Mano Po Legacy: Kulang na lang tumambling ako sa tuwa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending