Sunshine nagpagupit agad ng hair para sa Mano Po Legacy: Kulang na lang tumambling ako sa tuwa! Bandera

Sunshine nagpagupit agad ng hair para sa Mano Po Legacy: Kulang na lang tumambling ako sa tuwa!

Ervin Santiago |December 16,2021
share this

Sunshine nagpagupit agad ng hair para sa Mano Po Legacy: Kulang na lang tumambling ako sa tuwa!

Ervin Santiago December 16, 2021 - 12:52 PM

Sunshine Cruz

WALANG arte-arteng nagpagupit agad-agad ang celebrity mom na si Sunshine Cruz para sa bago niyang proyekto sa GMA 7 kahit pa love na love niya ang kanyang long hair.

Tuwang-tuwa ang aktres nang mapasama sa upcoming family drama series na “Mano Po Legacy” na isa sa magiging pasabog ng Kapuso Network sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ito’y sa direksyon ni Ian Lorenos at sa panulat ni Joey Reyes.

Hango ang nasabing serye sa “Mano Po” movies ng Regal Entertainment na talaga namang pinipilahan palagi tuwing Metro Manila Film Festival. Ilan sa mga nagbida na rito ay sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Kris Aquino at marami pang iba.

Kaya naman abot-langit ang tuwa ni Sunshine nang ialok sa kanya ng GMA at Regal ang karakter bilang si Christine Chan sa “Mano Po Legacy” hindi na siya nag-isip pa at tinanggap agad ang project.

“Before, pinapanood ko lang siya. I am just wondering, bakit kaya hindi ako binigyan ng offer to be part of the movie?

“Kaya nu’ng in-offer sa akin ito, kulang na lang, tumambling ako sa excitement,” natatawang chika ng aktres sa ginanap na virtual mediacon para sa “Mano Po Legacy” last Friday, Dec. 10.

Sey ni Sunshine, game na game rin siyang nagpagupit ng buhok para sa kanyang role sa serye na mapapanood na sa GMA Telebabad simula sa Jan. 3, 2022.

Nasanay na ang aktres sa mahaba niyang buhok, pero nu’ng sinabi sa kanya na kailangan niyang magbago ng hairstyle, yes agad ang sagot niya.


“So, when they asked me na kailangang magpa-cut ng hair, kahit siyempre magmula nung nag-start ako ng pag-aartista, palaging long hair ako, di ba?

“So, walang kaabug-abog, sige, sure kung kinakailangan ganyan ang buhok, game na game ako,” sey pa ng ex-wife ni Cesar Montano.

Makakasama rin sa “Mano Po Legacy” sina Barbie Forteza, Maricel Laxa at ang veteran actress na si Boots Anson-Roa na nakasama sa limang pelikula ng “Mano Po.”

Ka-join din sa serye ang mga Kapuso stars na may Chinese blood tulad nina Nikko Co, David Licauco, David Chua, Darwin Yu, Dustin Yu, pati si Almira Muhlach at ang beauty queen na si Cassie Banks.

Angel ‘nalurks’ sa kinalabasan ng bagong hairstyle; Marian, iba pang celebs super react

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending