Gigi de Lana biglang sikat sa 'Bakit Nga Ba Mahal Kita' birit challenge; sasabak na rin sa aktingan | Bandera

Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan

Ervin Santiago |July 13,2021
facebook
share this

Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan

Ervin Santiago - July 13, 2021 - 11:43 AM

HINDI lang pagkanta at pagpe-perform ang gustong karirin ngayon ng Kapamilya artist na si Gigi de Lana na kilalang-kilala ngayon dahil sa mga video niya sa YouTube.

Recently lang namin napanood ang mga performance ni Gigi na naka-post sa YouTube kabilang na ang nag-viral na video niya kung saan ibinirit niya nang bonggang-bongga ang “Bakit Nga Ba Mahal Kita” ni Roselle Nava.

In fairness, dahil sa nasabing viral birit performance ay mas sumikat pa ngayon si Gigi at ginamit na rin ito ng ilang netizens sa kanilang mga TikTok video.

Sa isang panayan sa dalaga na isa na ring certified Star Magic artist ngayon, bukod sa pagkanta ay nais din niyang ipagpatuloy ang career sa pag-arte.

Ang unang acting break niya ay nangyari last year, nakasama siya sa isa sa mga pelikulang kinunan noong kasagsagan ng pandemya, ang “Four Sisters Before The Wedding” ng Star Cinema.

“Ngayon kasi nagwo-workshop kami, training, kasi siyempre sa Four Sisters Before The Wedding sobrang first time kong umarte.

“I really don’t know exactly what I’m doing tapos kailangan ko pa siyang i-hone yung pag-act ko and at the same time ang dami ko pang kailangan matutunan.

“And alam kong hindi ako pababayaan ng lahat ng bumubuo ng ABS-CBN. Alam kong gagawin nila ang lahat para marating namin yung goal namin,” kuwento ni Gigi.

Nilinaw naman ng dalaga na kahit nasa Star Magic na siya at handa nang pasukin ang larangan ng akting, hindi raw niya iiwan ang kanyang bandang Gigi Vibes.

Aniya, napakalaki ng utang na loob niya sa GGV kaya kahit ano raw ang mangyari ay ipagpapatuloy niya pagkanta kasama ang kanyang grupo.

“All of us are working together so ang gusto ko as an artist, they support my decisions as well. Nakikinig ako sa kanila.

“So nakikinig ako sa management ko kung ano ang best so lahat talaga nagtutulungan. So hindi ko iiwan ang Gigi Vibes kasi it’s a part of me na tinanggap din ng management ko,” paliwanag ni Gigi.

Ito naman ang reaksyon niya nang mag-viral ang kanyang mga “Bakit Nga Ba Mahal Kita” challenge, “Nakakatuwa, nakakaiyak, kasi nandito na, ‘yung pinaghirapan, ‘yung tiyaga.

“Sa totoo lang, hindi ko ini-expect na mangyayari ‘to. Ang gusto ko lang naman, kumanta, kasi first love ko is singing. Sobra akong overwhelmed” aniya pa.

“Ang daming nagtitiwala sa talento namin, sa kung ano’ng maibibigay namin, sa growth namin. I know maraming na kalatag sa table na mangyayari,” dagdag pang chika ni Gigi na unang nakilala sa “Tawag ng Tanghalan” noong 2016 bilang Mary Gidget dela Llana.

“Iyong pag-change ko ng name, nag grow din ako. Pero that doesn’t mean na kinakalimutan ko ‘yung Gidget na ako. I’m still the same person.

“Nag-grow lang ako sa goals ko na gusto ko marating para sa passion ko. And okay ‘yun. Learning, growing is part of your life. And it’s okay to change, pero for the good, for the better,” pag-amin ng dalaga.

Samantala, ikinuwento rin ng singer-actress na kinakarir na rin niya ngayon ang pagiging vegan at tuluyan na ngang kinalimutan ang pagkain ng meat at iba pang animal byproducts tulad ng itlog at gatas.

“Nag-vegan kasi ako gawa ng health ko and at the same time na-realize ko yung damage sa atin, sa mother earth natin.

“So in a small way gusto ko tumulong na it starts with me, yung pagiging vegan. Tapos ma-influence ko yung ibang tao ng hindi ko fino-force.

“I-research niyo na lang yung pagiging vegan, yung benefits niya sa katawan, sa earth. Marami rin kayong matututunan for sure.

“Hindi naman ako against sa mga meat lovers kasi before meat lover din ako so hindi naman ako nagpo-force talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dami ko lang talagang realizations recently kaya ako nag-vegan. Maganda rin siya sa skin and sa hair,” pahayag pa ni Gigi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending