Darryl Yap inireklamo ng NGO, footage sa ‘Martyr or Murderer’ ginamit daw nang walang paalam | Bandera

Darryl Yap inireklamo ng NGO, footage sa ‘Martyr or Murderer’ ginamit daw nang walang paalam

Pauline del Rosario - February 26, 2023 - 02:39 PM

Darryl Yap inireklamo ng NGO, footage sa ‘Martyr or Murderer’ ginamit daw nang walang paalam

PHOTOS: Facebook/Darryl Yap, Facebook/Screengrab from EILER

NAHAHARAP sa panibagong kontrobersiya ang direktor na si Darryl Yap.

At ito raw ay ‘yung paggamit ng direktor sa isang footage na walang paalam na ipinalabas sa trailer ng “Martyr or Murderer,” ayon sa inilabas na pahayag ng non-governmental organization na Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa social media.

Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing pelikula ay sequel ng 2022 film na “Maid in Malacañang” at ito ay tungkol sa pagpatay sa dating senador na si  Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong 1983.

Pinagbibidahan ito nina Cesar Montano, Cristine Reyes, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Jerome Ponce, Giselle Sanchez, at sko Moreno.

Sa Facebook, nagkaroon ng joint statement ang EILER at ang iba pang organisasyon kabilang na ang Mayday Multimedia, Tudla Productions, at Pokus Gitnang Luson Multimedia Network.

Inakusahan nila si Darryl ng “pagnanakaw” matapos gamitin ang ilang eksena mula sa 2005 documentary na may titulong “Sa Ngalan Ng Tubo.”

Tinutukoy nila riyan ‘yung snippet na ipinapakita ang protesta ng mga magsasaka na nagtatrabaho sa Hacienda Luisita sa Tarlac noong 2004.

Sey sa pahayag, “Bagama’t nasa interes ng production team at ng mga manggagawa’t magsasaka ang patuloy na pagpapalaganap ng “Sa Ngalan ng Tubo,” nararapat na sa buong konteksto ito maipalaganap.”

“Hindi lingid sa kaalaman ng mga Pilipino ang pakikibaka ng mga manggagawang bukid at magsasaka, kung kaya’t agad na nakapukaw sa damdamin ng mga manonood ang paggamit ni Darryl Yap, VIVA Films, at VinCentiments sa isang bahagi ng aming dokumentaryo bilang promotional material ng kanilang pelikulang ‘Martyr or Murderer,’” saad ng EILER.

Dagdag pa sa nasabing FB post, “Ngunit sa pagkait nila sa buong konteksto ng laban ng mga manggagawang bukid at magsasaka, nagbigay sila ng panibagong inhustisya sa anyo ng paglihis ng diskurso sa usapin ng lupa, sahod, trabaho, at karapatan.”

Nagpahayag din ang NGO ng pagkadismaya sa intensyon ni Darryl na gamitin ang footage bilang isang paraan upang pagtakpan ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao noong martial law.

“Nagbigay sila ng panibagong inhustisya sa anyo ng paglihis ng diskurso sa usapin ng lupa, sahod, trabaho, at karapatan. Malinaw na ginagamit lamang ng kanilang kampo ang mga kasalanan ng mga Cojuangco-Aquino sa mga biktima ng Hacienda Luisita masaker upang matabunan ang mga kasalanan ng mga Marcos noong Martial Law, at sa proseso ay kumita sa takilya,” lahad ng grupo.

Dahil diyan ay nanawagan ang NGO na burahin at alisin ang lahat ng tinutukoy nilang footage.

Pahayag sa joint statement, “Hindi nagsakripisyo ng buhay ang mga martir ng Hacienda Luisita para lamang gamiting bala ng mga Marcos at Duterte laban sa mga Aquino at sa oposisyong tumututol sa kasalukuyang administrasyon.”

Dagdag nila, “Sa kasalukuyan, patuloy na pinagkakaitan ng lupa ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa ilalim ni Marcos Jr.”

Sey pa ng EILER, “Ikinadidismaya namin ang paggamit ng piling eksena ng dokumentaryo nang walang permiso mula sa production team. Higit pa rito ay kinokundena namin ang paggamit nito para sa baluktot na panawagan ng hustisya na nagsisilbi lamang sa interes ng naghaharing-uri.”

Giit pa nila, “Hindi ito ang layunin ng ‘Sa Ngalan ng Tubo.’ Ang tamang hakbang ay tanggalin ang promotional material kung saan ginamit ang footage ng aming dokumentaryo.”

As of this writing ay wala pang inilalabas na pahayag si Darryl at ang production team ng “Martyr or Murderer.”

Related. chika:

Manny Pacquiao proud sa pagkapanalo ni Carlo Paalam: ‘You fought a good fight’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yorme walang isyu sa billing ng pangalan niya sa ‘Martyr or Murderer’: Huwag kayong mag-alala, ‘yadba’ naman ako, e!

Confrontation scene nina Ruffa at Isko bilang Imelda at Ninoy sa ‘Martyr or Murderer’ 3 oras kinunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending