Yorme walang isyu sa billing ng pangalan niya sa ‘Martyr or Murderer’: Huwag kayong mag-alala, ‘yadba’ naman ako, e!
GINAGAWAN ng isyu ng ilang netizens ang mga pelikula ni former Manila City Mayor Isko Moreno at ng kanyang anak na si Joaquin Domagoso.
Si Joaquin ay kasama sa pelikulang “Ako Si Ninoy” na idinirek ni Vince Tañada at showing na ngayon sa mga sinehan, habang si Yorme naman ay gumaganap bilang Ninoy Aquino sa Marcos movie na “Martyr or Murderer” ni Darryl Yap na mapapanood naman simula sa March 1.
Kaya naman natanong si Isko sa naganap na grand presscon ng “MoM” kung napag-usapan ba nilang mag-ama ang pagkakasali nila sa dalawang kontrobersyal na pelikula.
Pahayag ni Yorme, “Joaquin is of age already. He’s trying to make a living. Kaya yung sinabi ko kanina, yung move on, I think that is more than proof enough.
“Yung sinabi ko noong nakaraan, move on tayo. Si Joaquin is on the other side. I’m on the other side. I think in our own little way, that’s proof already na wala sa amin yung nakaraang eleksyon,” pahayag ng nagbabalik-showbiz na politiko.
View this post on Instagram
Aniya pa, “He can do whatever he wants to do with his career and I’m supporting it. I am proud of him. In fact, yung nakuha niyang recognition as an artist, hindi ko nakuha yun.
“Lahat noong araw, puro nomination lang ako. Siya, nananalo! At saka international pa! So I’m proud of him, and I’m excited for him. I wish him all the best.
“And wala siyang maririnig at wala siyang narinig from me about him going to the other side. He can do whatever he wants to do as an artist,” sabi pa ni Yorme na wala na raw balak pang bumalik sa mundo ng politika sa ngayon.
Samantala, tungkol naman sa billing ni Isko sa poster ng “Martyr or Murderer” na nasa ilalim nga ng title, hindi naman daw ito isyu sa kanya.
“No, no, no! In fact, wala kayong narinig sa akin sa billing. Mas concern ako sa tanong kung nagbigay-buhay ba ako sa karakter.
“Kasi as an artist, yun na lang yung parang vindication mo, na na bigyan mo ng buhay yung karakter. Billing? Huwag kang mag-alala, yadba (bayad) naman ako, e! Ha-hahahaha!”
Huling umakting sa pelikula si Isko sa “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” na ipinalabas noong 2014 na pinagbidahan ni Sen. Robin Padilla kung saan ginampanan niya ang karakter ni Padre Jose Burgos, ang isa sa GomBurZa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.