Yorme tinanggap agad ang Marcos movie nina Darryl at Imee kahit talunan kay PBBM: ‘Wala naman akong asim sa kanila’
HINDI nagdalawang-isip na tanggapin ni dating Manila Mayor Isko Moreno ang offer ng Viva Films na gumanap na Ninoy Aquino sa Marcos movie na “Martyr or Murderer.”
Ito’y sa kabila nga ng pagkatalo niya kay Pangulong Bongbong Marcos noong nagdaang May, 2022 national elections kung saan tumakbo rin siya sa pagkapresidente.
Present si Isko sa naganap na grand mediacon ng “Martyr or Murderer” kagabi, February 20, kasama ang halos lahat ng cast members ng pelikula pati na ang direktor nitong si Darryl Yap.
Ginagampanan ng dating alkalde sa part 2 ng “Maid in Malacañang” ang karakter ng dating senador at yumaong ama ni Kris Aquino na si Ninoy Aquino na pinagbabaril hanggang sa mamatay sa dating Manila International Airport noong August 21, 1983.
Sey ng nagbabalik-showbiz na politiko, agad siyang umoo sa nasabing proyekto dahil bukod sa talagang gusto niyang umarte uli ay itinuturing niyang malaking karangalan ang mapasama siya sa pelikula ng Viva Films at ni Darryl Yap.
View this post on Instagram
“Immediately, I said yes, kaya I’m happy and honored. It’s also a great challenge to portray such character like Ninoy who was declared by the state as a hero. It’s a happy experience.
“May mga nakakaintrigang portion sa MoM na dapat panoorin, kaya yun ang dapat nilang abangan,” pahayag ni Isko.
Sa puntong ito, biglang sumingit si Sen. Imee Marcos na dumalo rin sa nasabing presscon. Aniya, nagulat daw siya nang bonggang-bongga nang malamang pumayag si Yorme na gumanap na Ninoy.
Reaksyon naman ni Isko, “Good thing coming from the senator kasi wala akong ampalaya sa buhay. In a competition, may nananalo, may natatalo. It just so happen na ako yung natalo, and that’s it.”
Dugtong pa niya, “The next day, there’s a new day, there’s new life. Even Imee can attest to this, Bonget…sorry I call him Bonget kapag medyo kilala mo (na).
“President Bongbong Marcos is also a mutual… parang, alam nila produkto nila ako. The mom, First Lady Imelda Marcos, built Tondo High School. Doon ako nag-graduate and they know it.
“September 25 nang dumating si Apo (dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.) sa eroplano, sa tarmac. I was there.
“Wala akong asim sa kanila. It’s just so happen that we competed and I lost, and that’s it. Nandoon na yung tuldok ng buhay. Ngayon, I’m trying to make a living,” sabi pa ni Yorme.
Aniya pa, sa ngayon ay wala muna siyang planong sumabak muli sa politika dahil mas gusto niyang subukan muli ang pag-aartista. Kailangan din daw kasi niya ng trabaho para may pagkakitaan at patuloy na masuportahan ang kanyang pamilya.
Showing na sa mga sinehan nationwide simula sa March 1 ang “Martyr Or Murderer”. Kasama rin dito sina Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Cesar Montano.
Confrontation scene nina Ruffa at Isko bilang Imelda at Ninoy sa ‘Martyr or Murderer’ 3 oras kinunan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.