Cristy Fermin binalaan si Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap: Ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon
NAGKOMENTO ang kolumnistang si Cristy Fermin patungkol sa naging birthday greeting ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang yumaong ama na si dating Sen. Ninoy Aquino.
Sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na” ay ibibahagi niya ang kanyang opinyon sa tila “pagpapatama” raw ni Tetay sa bagong pelikula ni Darryl Yap.
Saad ni Cristy, wala naman daw masama sa pag-alala ni Kris sa kanyang ama ngunit mukha raw kasing may motibo ang post nito na hindi raw nagustuhan ng ibang nakabasa.
“Ok lang naman po yun e, wala namang masama. Okay lang naman nating alalahanin ang mahal sa buhay na namayapa na pagdating ng kanilang kaarawan.
“Pero ang hindi po nagustuhan ng mga kababayan natin, lalo na ng kanyang mga bashers yung itinuloy po niya may segue po ‘yun tungkol sa parang pagkontra sa pelikulang ginagawa ni Direk Daryl Yap ang Matryr or murderer,” lahad ni Cristy.
Dagdag pa niya, “Kaya ito pong IG post niya bilang pagbati sa kanyang ama, hindi po ‘yun yung sinasabi ng ating mga kababayan na totoong dahilan bakit niya binati ang kanyang tatay kundi para pasinungalingan agad-agad yung sa Pebrero pa lang ipalalabas na pelikulang Martyr o murderer.”
Ani Cristy, mukhang makakahanap raw ng katapat ang Queen of All Media dahil paniguradong papalagan raw siya ng Viva director.
“Siyempre, si Direk Daryl Yap pa ba ang hinamon ni Kris. Aba’y kung hindi ka nakahanap ng katapat sa mga nakaraang panahon, palagay ko ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon kay Direk Daryl Yap…Papatulan ka niya,” sey pa niya.
Hirit pa ni Cristy, “Ngayon pa lang, aware na kasi siya na yun ang tatakbuhin nitong pelikulang ito e na baka mamaya, mabago. Baka nga naman malagay sa alanganin ang kanyang ama. Kaya ngayon pa lang, pinoprograma na niya ang isip ng mga kababayan natin na hindi pwedeng palitan ang nakaraan.”
View this post on Instagram
Hindi naman na bago ang usapin ng “pagbabago” ng kasaysayan sa pelikula ni Darryl dahil noon pa man ay marami na ang tutol sa historical revisionism ng kanyang “Maid in Malacañang” film.
Ngunit depensa niya, mayroon daw silang mga researchers at source patungkol sa mga nangyari noon na pinagbasehan ng kanilang kuwento.
Dagdag pa ni Darryl, may “creative freedom” raw siya sa naturang pelikula dahil hindi naman ito documentary o biopic.
Samantala, kamakailan lang nang ianunsyo niya na si ang dating Manila mayor na si Isko Moreno ang gaganap bilang Ninoy sa pelikula.
Related Chika:
Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?
Kris Aquino may bagong update sa lagay ng kalusugan: Tuloy ang laban, bawal sumuko!
Kris pinatamaan nga ba si Darryl Yap sa ‘birthday tribute’ para kay Ninoy Aquino?
Kris inalala ang pagkamatay ni Ninoy: Isa na lang ang utang ko sa kanya…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.