Darryl Yap ayaw ipa-edit ang ilang eksena sa ‘Martyr or Murderer’: Tanggalin na rin nila ako! I don’t want a director’s cut!
HALOS sumabog na sa galit sa social media ang controversial director na si Darryl Yap.
Ibinunyag niya kasi na may pinapatanggal na eksena ang Viva Films sa kanyang bagong pelikula na “Martyr or Murderer.”
Talagang mararamdaman ang pagka-imbyerna ng direktor dahil nasabi pa niya na bibitawan na niya ito kapag pinilit pa ng Viva na alisin ito.
Panimula pa niya sa isang Facebook post nitong February 11, “I am about to give up.”
Iginiit din niya na may mga sources at ebidensya siya kaya talagang pinaglalaban niya ito.
Sey niya sa post, “Kung ipipilit ng Viva na tanggalin itong sequence na ipinaglalaban ko na ng 2 oras; tanggalin na rin nila ako.”
“wag nyo na ipalabas kung di kasama,” aniya.
Patuloy pa ni Direk Darryl, “kapagod. tang*n*. Gusto ko lang magkwento, may ebidensya, may source, may basis! I DON’T WANT A DIRECTOR’S CUT.”
Maraming netizens naman ang napa-comment sa kanyang post at sumang-ayon na kailangang ipakita ang lahat sa pelikula.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Basta direk kung ano nasa puso mo sundin mo hehe.”
“Wag kang pumayag direk…. Aba kailangan lumabas ang totoo…. Ikaw ‘yan walang itinatago.”
“Importante may ebidensya, ‘wag i-cut masisira ang storya. Daming nag-aabang ng tunay na katotohanan.”
At speaking of isyu, may hinala na ang maraming netizens kung anong sequence ang nais ipalagay sa director’s cut.
‘Yan ay matapos mag-post sa FB si Direk Darryl ngayong February 12 na tila clue sa kanyang naunang post.
Sabi niya sa caption, “When I said, MARCOS did not kill AQUINO— I meant it with certainty, I know it 100%.”
Patuloy pa niya, “and if you sympathize with the former Senator, you will realize we are all entitled to know the whole truth; for his supporters’ peace, for the justice we all deserve to feel.”
Ang pelikulang “Martyr or Murderer” ay ang second part ng controversial at blockbuster movie na “Maid In Malacañang.”
Ipapalabas ‘yan sa mga lokal na sinehan sa darating na March 1.
Tampok diyan ang ilang bigating artista na sina Christine Reyes, Cesar Montano, Ella Cruz, Eula Valdez, Isko Moreno, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, at marami pang iba.
Related chika:
Beatrice inalala ang Miss Universe journey, ikinumpara ang mga beauty pageant sa sport
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.