Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa 'Maid in Malacañang'? | Bandera

Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?

Therese Arceo |June 05,2022
facebook
share this

Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?

Therese Arceo - June 05, 2022 - 04:26 PM

Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa 'Maid in Malacañang'?
USAP-USAPAN ngayon ang aktres at rumored girlfriend ni Herbert Bautista na si Ruffa Gutierrez dahil sa pagganap nito bilang si Imelda Marcos sa Viva Films project na “Maid in Malacañang” sa direksyon ni Darryl Yap.

Matatandaan na nitong nagdaang araw ay kumalat sa social media ang larawan nina Darryl Yap kasama sina Sen. Imee Marcos at ang mga big boss ng Viva para sa pitching ng naturang proyekto na aprubado na rin.

Nais na i-portray sa pelikula ang nangyari sa loob ng Malacañang 3 araw bago maganap ang EDSA People Power Revolution I na naging dahilan ng pagkakaalis sa puwesto ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na ama ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

“Maraming Salamat sa aking Viva Entertainment family, to the del Rosarios, Tita June Torrejon-Rufino and to all my bosses!” saad ni Direk Darryl.

Ayon sa Viva director, hindi naman daw ito historical revisionism kung hindi “the other side of the story”.

Nagkaroon naman ng final casting noong Biyernes, June 3. May mga pasilip na larawan ang direktor sa kanyang Facebook page na tila nag-uusap ukol sa proyekto dahil makikita si Imelda Marcos sa TV screen.

Wala naman nang binanggit na iba pang impormasyon ukol sa naturang proyekto.

Wala pa rin namang pahayag si Ruffa Gutierrez ukol sa kanyang next project under Viva pero nag-post ito sa Instagram account nito kahapon, June 4 ng mga larawan nilang magkasama ng dating first lady.

“Through the years with the one and only Madame Imelda Romualdez Marcos,” caption niya sa kanyang post.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

 

Kung titignan mo, bagay na bagay naman talafa kay Ruffa ang kanyang role bilang Imelda.

Base rin sa naririnig naming chika ay may pa-bonggang announcement ang Viva ukol sa “Maid in Malacañang” na ang sabi ay magsisimula na ang shooting ngayong buwan.

Related Chika:
Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel rumesbak sa nagsabing ninakaw ni Kris ang alahas ni Imelda: She can afford to buy her own

Jinkee Pacquiao hindi susundan ang yapak ni Imelda Marcos sakaling manalo si Pacman sa eleksiyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending