Pati pag-akyat ni Alex Gonzaga sa bundok binasag ng bashers: 'Huwag ka nang bumaba...diyan ka na lang' | Bandera

Pati pag-akyat ni Alex Gonzaga sa bundok binasag ng bashers: ‘Huwag ka nang bumaba…diyan ka na lang’

Ervin Santiago |May 09,2023
facebook
share this

Pati pag-akyat ni Alex Gonzaga sa bundok binasag ng bashers: ‘Huwag ka nang bumaba…diyan ka na lang’

Ervin Santiago - May 09, 2023 - 07:53 AM

Pati pag-akyat ni Alex Gonzaga sa bundok binasag ng bashers: 'Huwag ka nang bumaba...diyan ka na lang'

Alex Gonzaga

BINASAG ng ilang bashers ang aktres at content creator na si Alex Gonzaga matapos ibandera sa social media ang pag-akyat niya ng bundok kamakailan.

Nag-hiking ang sisteraka ni Toni Gonzaga sa Mt. Ulap sa Itogon, Benguet kasama ang kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Bonoy Gonzaga.

Nag-post si Alex sa kanyang Instagram page ng ilang litrato na kuha sa tuktok ng nasabing bundok kung saan makikita ang signage ng Mt. Ulap at ang ilang bahagi ng nasabing lugar na dinadayo ng mga local and foreign tourists.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


“Beautiful peak of Mt. Ulap. Pero talagang lulang-lula na ako bakit ko ba ‘to naisip gawin,” ang maikling caption ni Alex sa kanyang Instagram post.

Isa sa mga nagkomento sa kanyang post ang kanyang kaibigan na si Melai Cantiveros na umakyat naman sa Mt. 360 sa Tanay, Rizal.

Baka Bet Mo: Lani Mercado binoldyak ng netizens matapos ipagtanggol si Sara Duterte

“Hahhahahahahahhah congrats Als uulit ka pa n’yan at maaadik ka n’yan,” ang komento ni Melai sa post ng kaibigan.

Sa IG account nga ni Melai ay makikita ang mga pictures niya habang nasa tuktok ng bundok.

“Nagpa-attendance na naman po tayo sa Bundok. Nakalanghap na naman pod tayu ng masarap ng hangin. At napawisan na naman po tayo nang bongga,” ang caption ni Melai sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Wala kaming nabasang kanegahang komento sa IG photos ni Melai pero sa post ni Alex ay may ilang netizens na nam-bash sa kanya.

“Huwag ka ng bumaba..diyan ka na lang,” ang nakakalokang comment ng isang hater.

Sumang-ayon naman ang isa pang IG user at humirit ng, “Sinabi mo pa.”

Sa kabila nito, mas marami pa rin naman ang natuwa at nag-congratulate kay Alex matapos ma-achieve ang pag-akyat sa tuktok ng bundok kasama pa ang kanyang pinakamamahal na parents.

Hindi rin sinagot o pinatulan ng aktres at TV host ang mga nam-bash sa kanya.

Dimples Romana sulit na sulit ang hirap at pagod sa pag-akyat ng Rainbow Mountains sa Peru kasama ang anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matteo, Sarah gustong matikman ng mga magiging anak ang buhay-probinsya; may nabiling ‘bundok’ sa Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending