Brenda Mage, BF, mga katropa nalagay sa panganib habang patungong Benguet: Nanaginip ako ng masama, nakakatakot! | Bandera

Brenda Mage, BF, mga katropa nalagay sa panganib habang patungong Benguet: Nanaginip ako ng masama, nakakatakot!

Ervin Santiago |October 09,2022
facebook
share this

Brenda Mage, BF, mga katropa nalagay sa panganib habang patungong Benguet: Nanaginip ako ng masama, nakakatakot!

Ervin Santiago - October 09, 2022 - 08:40 AM

Brenda Mage, BF, mga katropa nalagay sa panganib habang patungong Benguet; Nanaginip ako ng masama, nakakatakot!

Gio Sta, Ana at Brenda Mage

NALAGAY pala sa panganib ang buhay ng komedyanteng si Brenda Mage pati na ng kanyang mga kasamahan habang patungo sa isang lugar sa Benguet.

Ayon kay Brenda, tila may nagbigay ng warning sa kanya na maaaring may masamang mangyari sa kanilang grupo sa pagpunta nila sa Atok, Benguet para bisitahin ang Northern Blossom Flower Farm.

Kasama ni Brenda Mage ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana at ilang kabarkada sa isang sasakyan at bumibiyahe nga patungong Atok nang managinip siya nang masama.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng Kapamilya comedian ang kinaharap nilang panganib nang bigla raw mawalan ng preno ang kanilang sasakyan.

Kuwento ni Brenda, papunta pa lang sila sa Atok nang kutuban siya ng masama matapos managinip ng hindi maganda habang nasa biyahe.

“Medyo hindi maganda ang panaginip ko, paggising ko nakakatakot ang daan bukod sa bangin malabo ang daan sa fog,” kuwento ng komedyante.

At dahil iba na ang nararamdaman noong mga oras na yun at malayo pa sa pupuntahang lugar nagdesisyon na siyang huwag nang tumuloy at bumalik na lang sa Baguio City.

Habang pabalik na sa kanilang pinanggalingan, biglang sinabi ng kanilang driver na parang nawalan sila ng preno. Dito na mas natakot ang grupo nina Brenda.

“Buti nalang I decided to go back kasi medyo iba talaga ang napanaginipan ko parang warning. Then habang nasa byahe kami pabalik mga 5-10 minutes huminto kami kasi naramdaman ng driver wala na kaming preno…… kinilabutan talaga ako kasi di ako mapakali habang papunta kami,” pahayag pa ni Brenda.

View this post on Instagram

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

“At dahil malayo pa ang byahe pinatay namin ang aircon at tumakbo ang sasakyan using the handbrake.. nagdasal kami tapos nung habang nasa byahe bigla nalang bumalik na ang Preno…

“Nagulat din ang driver at naging ok na kahit tumatagas na talaga nung tiningnan nila dilikado talaga pero Praise God biglang naging ok ang lahat at nakauwi kami.. pero bukas bibili ang driver nung bagong Preno/brake o anu ba tawag dun para mas safe pag uwi namin,” pahayag pa ni Brenda Mage.

Paalala ni Brenda sa madlang pipol, dapat talagang mag-ingat kapag bumibiyahe lalo na kung napakalayo ng destinasyon.

Aniya pa, kapag kinutuban at nakaramdam ng hindi maganda,  huwag nang tumuloy dahil pwedeng sign na ito ng may mangyayaring hindi maganda o nakaabang na kapahamakan, “Ingat po sa lahat ng mga bumabyahe lalo pag malalayo.. at pag may naramdaman na kayong warning o kakaiba.. wag na tumuloy minsan totoo talaha yung instinct. Thankyou Lord nakauwi kami ng safe.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/325799/brenda-mage-umalma-sa-mga-nagsasabing-uhaw-siya-sa-exposure-tama-po-kayo-sa-lahat https://bandera.inquirer.net/302090/pagkatalo-ni-brenda-mage-sa-pbb-10-ikinatuwa-ng-netizens-yan-ang-tinatawag-na-karma https://bandera.inquirer.net/301005/ano-ang-pinakamahal-na-regalo-na-ibinigay-ni-brenda-sa-kanyang-dyowa https://bandera.inquirer.net/312236/miss-benguet-hindi-nakasali-sa-miss-universe-ph-2022-finals-night-anyare

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending