Brenda Mage umalma sa mga nagsasabing uhaw siya sa exposure: Tama po kayo sa lahat | Bandera

Brenda Mage umalma sa mga nagsasabing uhaw siya sa exposure: Tama po kayo sa lahat

Therese Arceo - October 04, 2022 - 07:34 PM

Brenda Mage umalma sa mga nagsasabing uhaw siya sa exposure: Tama po kayo sa lahat
PUMALAG ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at komedyanteng si Brenda Mage sa mga ibinabatong komento sa kanya ng mga netizens.

Ayon sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 2, marami raw ang nagsasabi na sana raw ay hindi na siya sumali sa “Miss Q&A Queen of the Multibeks All-Stars Warlahan” ng “It’s Showtime” dahil sikat na siya at wala nang dapat patunayan.

“Bakit daw ako sumali sa Miss Q and A eh Artista na daw ako tsaka mapapahiya lang daw ako pag natalo,” panimula ni Brenda sa kanyang post.

Dagdag pa niya, “Perang pera daw uhaw sa exposure hahahahaha. Well tama po kayo sa lahat.”

Ani Brenda, wala na raw siyang kailangan pang i-explain sa mga tao basta masaya siya.

Chika pa niya, panoorin na lang daw siya ng mga tao at kung manalo man siya at ibig sabihin maswerte siya lalo na’t magagaling rin ang kanyang makakalaban.

Ngunit ngayon ngang araw ay natalo si Brenda nang sumabak siya sa patimpalak.

“Kapag natalo eh anu ngayon di naman ikakababa ng pagkatao ang pagkatalo.

“Dati na ako natalo sa Season 2 natalo na rin ako sa PBB anu pa bang bago hahahaha ang importante Masaya ako dahil sa mga suporta ng ng nagmamahal sakin,”sabi pa ni Brenda.

Dagdag pa niya gusto raw ng mga taong sumusuporta sa kanya na makita siya sa “It’s Showtime”.

Hirit pa ni Brenda, hindi rin naman daw kasi niya ma-feel na artista siya kaya laban lang.

Marami naman sa mga netizens ang nagpakita ng suporta sa komedyante sa kabila ng mga pambabatikos na kanyang natatanggap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

“Matalo manalo idol pa din princes ikaw pa ba. Kayang kaya mo yan. Mas magaling ka sa kanila. Saka madami ka na din napatunayan di naman sa sarili mo pero mas lalo ka pang makatulong sa mga senior citizen at kapamilya mo dun ako bilib sayo. ang mhal mo ang pmilya mo. kya mas lalo png mdmi blessing bbgy ni god syo ksi tumutulong ka,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Go ms. Brenda Mage! Enjoy mo lang yung show na Showtime… And im sure marami kang mapapasayang tao sa mga jokes mo…Go ka lang ng GO Ms. Brenda. wag kang magpapadala sa mga tao na puro nega lang lagi nakikita…God Bless you po.”

“Yes definitely korek win or lose proud parin kami kasi nakapagbibigay ka nang kasiyahan sa ibang tao at sa amin din kaya laban lang Meme tawanan muh nalang sila love you po. God bless,” sey naman ng isa.

Related Chika:
Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Brenda Mage patuloy na binabanatan: May nagsasabi, sana ako na lang ang namatay kesa ‘yung mga sikat na vloggers

Alexa na-hurt sa pinagsasabi ni Brenda Mage: Para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending