Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa? | Bandera

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Therese Arceo |December 20,2021
facebook
share this

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Therese Arceo - December 20, 2021 - 09:55 AM

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

IBINAHAGI ni Brenda Mage ang pinakamahal na naibigay niya sa kanyang non-showbiz dyowa na si Kelvin Simbulan.

Parte ng nagdaang ABS-CBN Christmas Special ang mga naging housemates ng “Pinoy Big Brother Kumunity 10”.

Sa isang segment ng kanilang partisipasyon ay nagkaroon ng talakayan sina Brenda Mage at Madam Inutz patungkol sa “Big Love”.

Dito ay napag-usapan ng dalawa ang kanilang mga naging experiences na may kinalaman sa kanilang loved ones.

Unang tanong na nga ay kung ano ang pinakamalalang nagawa ni Brenda sa ngalan ng pag-ibig.

May kwela ngunit may laman na sagot naman ang komedyante.

“Lumunok… kasi nilunok ko lahat ng mga sinabi ng mga tao, lahat ng taong ayaw sa relasyon namin,” sagot ni Brenda

“Nilunok ko rin ang pride ko kasi ganon naman talaga pagdating sa pag-ibig, kakainin mo lahat. Kasi no matter what happens, ‘yung love ang mangingibabaw,” dagdag pa nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Sa sumunod naman na tanong ay inintriga ni Madam Inutz kung ano ang pinakamahal na regalo na naibigay niya sa kanyang dyowa.

“Ito, binabalik pa! Wala naman masyado, hindi naman siya malaking bagay… ATM ko,” natatawang sagot ni Brenda.

“Ang bigat! Talaga ba?” nabiglang tanong ni Madam Inutz.

“Yeah, uhm…maliit lang siyang ATM pero malaki ‘yung laman kahit papano.

Ang tanong na lang ngayon ay kung magkano na lang ang laman,” pabirong sagot ni Brenda.

Sa huli ay nagbigay naman ng mensahe ang housemate sa kanyang dyowa sa outside world.

“Para sa minamahal kong si Kelvin, babe, I love you so much and thank you so much for loving me also,” sey ni Brenda.

Nagpasalamat rin ito sa dyowa dahil sa unconditional love na pinaparamdam nito sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“For accepting me, kung ano at sino ako at pinatunayan mo talaga na may pag-asa pang lumigaya ang mga kagaya ko or kagaya ng mga ganitong kasarian na pwede pang mahalin at magmahal pagdating sa pag-ibig bilang dyowa. Thank you so much for the unconditional love.”

Related Chika:
Brenda Mage ‘sukang-suka’ sa closeness nina Alexa at Eian: OMG! Pang-Oscars ang aktingan!
Brenda Mage kasama sa ‘Darna’ pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending