Brenda Mage kasama sa 'Darna' pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot! Bandera

Brenda Mage kasama sa ‘Darna’ pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot!

Ervin Santiago |December 08,2021
share this

Brenda Mage kasama sa ‘Darna’ pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot!

Ervin Santiago December 08, 2021 - 08:05 AM

Brenda Mage, Janella Salvador at Jane de Leon

IPINAGPALIT ng Kapamilya comedian na si Brenda Mage ang maging bahagi ng bagong TV version ng “Darna” sa ABS-CBN sa pagiging celebrity housemate ng “Pinoy Big Brother” season 10.

Ito ang rebelasyon ni Brenda sa ipinalabas na episode ng “PBB” kagabi habang kausap niya ang ilang kasamahang housemates.

Naibahagi ng komedyante ang tungkol dito nang sumabak ang mga housemates ni Big Brother kung saan kailangan nilang hulaan kung ano ang totoong balita o fake news na ibibigay sa kanila.

Nag-react si Brenda Mage sa balitang in-announce na ng ABS-CBN na si Janella Salvador na nga ang napiling Valentina sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pagbibidahan ni Jane de Leon na siyang gaganap sa iconic Pinoy superhero.

Ani Brenda, “Hindi! Part sana ako ng ‘Darna’ at imposibleng si Janella ang papasok.” Siyempre mali ang sagot ng komedyante dahil nitong nagdaang Nov. 19 ay ibinandera ng management na si Janella ang napiling millennial Valentina.

Nang makausap na ni Brenda Mage si Kuya sa loob ng confession room, sinabi nga niya na na-cast na raw siya sa “Darna” bago pa dumating ang offer sa kanya na maging celebrity housemate sa season 10 ng “PBB.” 


Obviously, ang “PBB” ang kanyang pinili, “Kasama po sana ako sa ‘Darna’ pero hindi ko po naituloy dahil mas pinili ko pong makilala kayo dito sa Pinoy Big Brother.

“Ako po sana si Valentina, pero tinanggihan ko. Charot lang!” natatawang biro ni Brenda. Hindi naman niya nabanggit kay Big Brother kung ano sana ang magiging role niya sa bagong “Darna.” 

Noong Oct. 5 in-announce ng Kapamilya network kung sinu-sino ang makakasama sa cast ng “Darna”, kabilang na rito sina Jane, Iza Calzado (as the original Darna), Zaijan Jaranilla bilang si Ding, at Joshua Garcia na magiging love interest ni Darna.

Nagsimula nang mag-taping ang “Darna” last month sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Chito Roño, kasama si Direk Avel Sunpongco. Kinukunan ang mahahalagang eksena ng serye sa ABS-CBN’s Hollywood-standard sound stages sa San Jose del Monte, Bulacan.

Brenda Mage kay Alexa: Wala siyang silbi, ganda lang talaga…panay lamon pa

Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa ‘Darna’ series

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending