Jomari Angeles nanggigil sa female celeb, ‘di sumipot sa collab?
VIRAL ang Tiktok video ng aktor at content creator na si Jomari Angeles na umingay ang pangalan dahil sa pelikulang “Ma’Rosa” (2016) na nagpanalo kay Jacklyn Jose bilang Best Actress for Best Foreign Language sa nakaraang 89th Academy Awards.
Buong cast ay dumalo sa nasabing parangal at isa na si Jomari na aminadong unforgettable experience niya ito bilang baguhang aktor noon.
Huling pelikula ni Jomari ay ang “GomBurZa” na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival mula sa direksyon ni Pepe Diokno.
Anyway, pinag-uusapan ng netizens ngayon ang pinost na video ng aktor sa Tiktok account niya na umabot na sa 1.4M views as of this writing dahil naglabas siya ng sama ng loob sa celebrity na sinabing makaka-collab niya.
Hindi naman daw si Jomari ang nagprisinta ng collab sa celebrity kundi siya ang nilapitan ng staff sa promo ng pelikula nila ngayong 50th year ng MMFF.
Simula ng aktor, “Yun ‘yung pinaka-ayaw ko, eh, ‘yung hindi nirerespeto ‘yung schedule o ‘yung time ko!”
Baka Bet Mo: Jane de Leon nilinaw ang namamagitan sa kanila ni Rob Gomez
Umabot kaagad sa 1,095 comments ang video na ito ng aktor/content creator at mahigit 4,000 repost at 86,700 ang nag heart.
Sa pagpapatuloy ni Jomari, “meron dapat akong collaboration with a celebrity. Meron siyang MMFF entry this year. Nag reach out sa akin ‘yung promo ng movie niya gusto nila mag-collaborate kaming dalawa para ma-promote ‘yung movie niya.
“Ang gustong mangyari ng promo staff was katulad nu’ng interview ko with a celebrity na nag-viral kaya tinanong ko agad, ‘sino po ‘yung celebity?’
“Sabi ko do’n sa promo team, okay ba kay celeb na mag-collab kami? Kasi ako aware ako sa mga content ko na humihirit ako sa mga girls, bumabanat ako baka hindi siya kumportable ro’n.
“Kaya sabi ko better if ipanood sa kanya ‘yung reference video para may ideya siya. Kasi ako alam ko na hindi magwo-work ‘yung video kung hindi siya kumportable in the first place.
“So, bumalik sa akin ‘yung promo team okay daw kay Celeb, so, nag schedule kami December 10, 4PM sa Eastwood (City), Tuesday at 3:15PM nasa Eastwood na kami sinama ko ‘yung cam off ko ‘yung nagbi-video sa akin.”
Nabanggit pa ni Jomari na marami silang tsinek na lugar sa Eastwood kung saan may magandang puwesto at konti lang ang tao since celebrity ang makakapanayam niya.at nang makahanap siya ng spot ay ipinadala niya sa promo staff kung saan sila magkikita at nagsabi pa ang binate na tambay muna siya sa SB (Starbucks) habang hinihintay sila.
“Before 4PM dumating na ‘yung staff at habang naghihintay kami ay nagre-review kami ng questions kasi ang tagal ko ng hindi ginawa ‘yung ROSE content at nag-ready din ako ng questions para sa kanya (celebrity kasi may request ‘yung promo team nila na specific questions na related do’n sa theme ng movie nila,” sabi pa ng aktor/content creator.
Pasado alas kuwatro na ay hindi pa dumarating ang celebrity at chill lang si Jomari dahil alam niya na minsan ay nali-late ang kausap.
“Mga 4:15PM na napansin ko ‘yung (promo) staff may kausap sa phone tapos medyo nagpa-panic siya at na-feel ko ‘yung time na ‘yun na may problema pero hindi pa ako nagsalita kasi 4:15PM palang naman.
“Nu’ng around 4:20PM na nagtanong na ako, ‘kumusta, anong balita kay celeb. Nagkaroon daw ng miscommunication doon sa GC (group chat) with the handler, sabi raw nu’ng handler tomorrow 4PM, sinend daw ng handler kahapon (Dec 9), so, ‘yung tomorrow is December 10, 4PM, pero December 11, Wednesday 4PM pala.
“Kaya tinanong ko ‘yung staff kung taga saan si celeb kasi kung malapit lang siya sa Eastwood area puwede naman siyang hintayin sabi ng staff hindi niya alam (ang bahay), so, sabi ko pag 4:30PM wala pa rin si celeb, aalis na ako kasi saying ang oras ko naghihintay ako sa wala, then 4:30 na wala pa rin si celeb, nagpaalam na ako, sorry ng sorry ang staff sa akin.
“Hindi ako puwedeng mainis sa kanya kasi alam ko naming hindi siya ‘yung may kasalanan, sabi ko okay lang hindi naman ikaw ‘yung may kasalanan.
“Tinanong niya ako kung kailan ako free, sabi ko masikip po ‘yung schedule ko which is totoo naman kasi ang dami kong brand deadlines na kailangan ko ng i-submit kasi December posting ‘yun pero siningit ko ‘yung day na ‘yun para sa celebrity na ito kasi ‘yun daw ang free day niya.
“So ako na ‘yung nagtanong kung may free day si celeb next week, ako na ‘yung nagtanong sabi Monday daw sabi ko free ako 3-5PM, 10 minutes lang naman naming gagawin ‘yung interview so, hayun kasado na,” detalyadong kuwento ni Jomari.
Paggising niya ng Lunes ay may message ang promo staff sa kanya na ‘yung team daw ni celebrity ay nagsabing hindi na matutuloy ang collaboration.
“They won’t be moving forward with the content due to management concerns. Ha, anong management concerns? Kung hindi pala talaga okay in the first place bakit pa tayo ang re-schedule?” iritang kuwento ng content creator.
Okay na raw yung hindi sumipot sa unang usapan pero bakit nagpa-schedule pa ulit?
“Ginugulo ninyo ang schedule ko, nag block off na ako last Tuesday (December 10), nag block off na naman ako ng Monday para sa collaboration na ito hindi naman pala tutuloy!
“Inis na inis ako kasi ano ba ‘yun? Porke’t artista ka, sikat ka wala ka ng pakialam sa schedule ng ibang tao?
“Oo mas flexible ‘yung oras ko pero nag block off ako para sa schedule na ito, trabaho ito, eh. Work is work Kung hindi naman pala sila okay, bakit pa tayo nag set-up ng collaboration?
“Pinost ko lang itong video na ito para sa awareness nap ag may schedule sa trabaho siputin natin kahit hindi artista,” iritableng kuwento ni Jomari.
Binasa naming ang kulang isang libo at dalawang daang komento na halos iisa ang inilagay na pangalan, sina Jane de Leon at Alexa Miro para sa “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital”.
Binanggit ang pangalan nina Julia Montes (Topakk leading lady) at Julia Barretto (Hold Me Close star) pero sumagot si Jomari ng X na ibig dabihin ay hindi at may humula rin na sinagot niya ng diretsong ‘hindi.’
Ang naunang dalawang pangalang nabanggit na paulit-ulit na binabanggit sa comment box ay hindi sinasagot ni Jomari kung ‘hindi o X.’
Hindi nga kaya sina Jane at Alexa?
Bukas naman ang BANDERA sa panig nina Jane at Alexa kung sila nga ang binabanggit ni JOmari Angeles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.