Jane de Leon nilinaw ang namamagitan sa kanila ni Rob Gomez

Jane de Leon nilinaw ang namamagitan sa kanila ni Rob Gomez

Therese Arceo - July 20, 2024 - 05:24 PM

Jane de Leon nilinaw ang namamagitan sa kanila ni Rob Gomez

NAGSALITA na ang Kapamilya actress na si Jane de Leon tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ng Kapuso actor na si Rob Gomez.

Sa kanyang naging panayam sa ABS-CBN News noong Biyernes, July 19, itinanggi ng aktres na may relasyon sila ng aktor.

“Sadyang no’ng time na may na-upload ako—minsan na nga lang mag-upload sa Instagram, ano ba ‘yan!—nahagip ‘to si Rob. And then hindi namin alam na nagka-article na kami,” pagbabahagi ni Jane.

Aniya, nahiya rin siya sa aktor dahil sa nangyari.

Baka Bet Mo: Jane de Leon, Rob Gomez magkasama sa Taiwan, ano kaya ang real score?

“So, I feel bad lang din kay Rob kasi nagso-sorry siya sa akin. Sabi niya sa akin: ‘Jane, nadamay ka pa,” kuwento pa ni Jane.

Matatandaang na-issue ang dalawa matapos mag-upload ng Kapamilya aktres ng video nila habang kumakain ng ramen sa Taiwan.

“So to set the record, Jane, walang namamagitan sa inyo?” tanong ni ABS-CBN resident showbiz forecaster Gretchen Fullido.

Diretsang sagot ni Jane, “Wala”.

Nananatili namang single at ready to mingle sa kasalukuyan ang Kapamilya “Darna”.

Kamakailan naman ay muling kinilig ang fans matapos magsama nina Jane at Janella Salvador sa isang music video na ipinalabas sa nagdaang selebrasyon ng Prode Month.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending