Jane, Rob magkasama sa Taiwan, ano kaya ang real score?

Jane, Rob magkasama sa Taiwan, ano kaya ang real score?

Pauline del Rosario - July 01, 2024 - 10:37 AM

Jane, Rob magkasama sa Taiwan, ano kaya ang real score?

PHOTO: Screengrab from Instagram/@imjanedeleon

CURIOUS ang ilang netizens sa tunay na relasyon ng aktres na si Jane De Leon at aktor na si Rob Gomez.

Ito ay matapos makitang magkasama silang dalawa sa isang restaurant sa Taipei, Taiwan.

Sa Instagram, ibinandera ni Jane ang kanyang reaction video na enjoy na enjoy na kumakain ng ramen nang biglang lumitaw si Rob na nasa tabi niya.

Walang idinetalye ang aktres tungkol sa aktor sa kanyang post, pero heto ang caption: “Finally! Had a chance to try ICHIRAN for the first time. [ramen emoji]  It’s a 10 for me!”

Baka Bet Mo: Rob Gomez kinakarir ang pag-aayos ng ‘visitation rights’ para makita ang anak

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Tila may mga netizens ang nagulat sa IG post ni Jane at tinanong kung ano ang real score nilang dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Si Rob G[omez] ba ‘yun??? [face with hand over mouth emoji]”

“Sila ba??”

“Juiceko Jane! ‘Di mo naman siguro ka-level si Hipon para pumatol sa nambubugbog ng ka-live in ‘no.”

Habang naghihintay ng sagot ang iba kung ano ang reason kung bakit kasama niya si Rob, may mga netizen naman ang excited na sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas upang makasama naman ang aktres na si Janella Salvador.

Heto ang mga naging komento ng fans:

“Umuwi na po kayo ng Pinas para magkasama na ulit kayo ni @superjanella [smiling face with heart eyes emojis]”

“Kailan kayo magpo-post ni Janella together? [red heart emojis]”

Magugunitang kilig to the max ang maraming fans nina Janella at Jane matapos magtamabal sa isang music video na inilabas para sa pagdiriwang ng Pride Month nitong Hunyo.

Ito ang matagal nang hinihintay ng kanilang fans kaya naman super happy sila.

Ngunit looking forward pa rin ang supporters na magkaroon ng malaking GL (girl love) project ang dalawang aktres.

Samantala, si Rob naman ay nasangkot sa kontrobersya noong nakaraang taon matapos ma-link sa “Magandang Dilag” co-stars na sina Bianca Manalo at Herlene Budol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-leak kasi ang mga private conversation ng aktor kina Bianca at Herlene sa social media na inakala ng maraming netizens ay pinagsabay ito ni Rob.

Pero agad naman ‘yang itinanggi ng dalawang aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending