Bianca Manalo, Rob Gomez pasikretong nagkikita

Bianca Manalo, Rob Gomez pasikretong nagkikita, may ‘something’ nga ba?

Therese Arceo |December 20,2023
facebook
share this

Bianca Manalo, Rob Gomez pasikretong nagkikita, may ‘something’ nga ba?

Therese Arceo - December 20, 2023 - 06:36 PM

Bianca Manalo, Rob Gomez pasikretong nagkikita, may 'something' nga ba?

Bianca Manalo at Rob Gomez

ISANG malaking pasabog para sa mga netizens ang mga leaked screenshots ng usapan ng Kapuso actor na si Rob Gomez sa kanyang co-star na si Bianca Manalo.

Base sa mga kumakalat na screenshots ay palihim na nagkikita ang dalawang Kapuso stars.

Marami sa mga netizens ang nagulantang matapos mabasa ang mga diumano’y mensahe ni Bianca sa Kapuso actor kung saan itinatanong nito kung kaya bang agahan ni Rob ang punta para magkita sila.

Hindi makapaniwala ang mga netizens sa mga “resibo” na kalat na kalat na sa social media lalo na’t aware ang lahat na may kanya-kanya silang partner.

Si Bianca ay ang longtime girlfriend ni Sen. Win Gatchalian at sa katunayan ay magkasama pa nga silang nag-celebrate ng birthday ng aktres sa Malacañang kamakailan.

Samantala, nasiwalat naman noong Agosto na may girlfriend si Rob at ito ay si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo napaiyak, nag-walkout sa taping ng ‘Magandang Dilag’ dahil sa mga uod

Lumantad ito at ipinakilala na rin ang anak nilang si Amelia sa publiko upang pabulaaanan ang sinabi ng aktor na “single” siya sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Kaya naman takang-taka ang lahat sa kumakalat na convo kung saan mas madalas mag-message si Bianca.

Base sa isang screenshot ng mensahe ng beauty queen-actress sa Instagram, “You didn’t reply on telegram. Meron ka nanaman napick up na ibang girl noh?”

Samantala, may message rin ang dyowa ni Sen. Win kung saan maaari ba itong makipagkita sa kanya ng 7am at kung pwede ay babalik siya sa BGC.

“He’s not here. He’s in Valenzuela,” saad pa raw ni Bianca, na ang tinutukoy umano ay ang dyowang senador na naging mayor rin noon ng Valenzuela.

Bagamat wala nang iba pang detalye na mababasa sa screenshots ay umani na agad ito ng samu’t saring komento mula sa netizens.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo nag-birthday sa Malacañang: ‘Never in my wildest dreams!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa katunayan, marami ang mga bumabatikos ngayon kay Bianca dahil sa kumalat na screeshots.

Bukod pa sa beauty queen ay na-expose rin ang convo nito kina Herlene Budol at Pearl Gonzales.

“Never liked Bianca Manalo, I always had a bad feeling about her. Herlene Budol, I actually liked her and I thought she was a good person. Ang cheap,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “omg? Bianca Manalo’s cheating on sen Win Gatchalian???”

“Ako kinakabahan sa kanya, politician pa naman ang dyowa,” sey ng isang netizen.

Palaisipan naman sa madlang pipol ang mga leaked convo na mismong naka-post sa account ni Rob.

May ilan na nagdududa na baka na-hack ang account ng aktor o di kaya nawala ang cellphone nito kaya kumalat ang kaniyang pakikipag-usap kina Herlene, Bianca, at Pearl.

Sa ngayon ay burado na ito sa account ng aktor ngunit kalat na sa iba’t ibang social media platforms.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nananatili namang tahimik sina Rob, Herlene, Bianca, at Pearl ukol sa isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa paaag ng mga kampong involved sa isyung mainit na pinag-uusapan ng mga marites.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending