Rob Gomez mahal na mahal ang anak kay Shaila Rebortera; nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Herlene Budol | Bandera

Rob Gomez mahal na mahal ang anak kay Shaila Rebortera; nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Herlene Budol

Ervin Santiago |October 04,2023
facebook
share this

Rob Gomez mahal na mahal ang anak kay Shaila Rebortera; nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Herlene Budol

Ervin Santiago - October 04, 2023 - 07:14 AM

Rob Gomez mahal na mahal ang anak kay Shaila Rebortera; nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Herlene Budol

Sheila Rebortera, Rob Gomez at Herlene Budol

SUMUSUMPA ang Kapuso actor na si Rob Gomez na hindi niya gustong itago ang kanyang anak sa dating beauty queen na si Shaila Rebortera.

Mahal na mahal daw niya ang kanyang nag-iisang anak at wala siyang ibang hangarin kundi ang mabigyan ito ng magandang buhay at maprotektahan sa anumang isyu at intriga.

“I never wanted to hide my baby. I love her so much. But I don’t want to speak on to it. I don’t wanna come up guilty or defensive.

“So, I just want to be a gentleman right now. Stand tall as the guy I am, and pay much respect to everyone who’s watching, paying attention to whatever issue would take me,” ang pahayag ni Rob sa BANDERA sa naganap na cast reveal ng pelikulang “Shake, Rattle & Roll Extreme.”

“We live in a world where people can say anything about anyone at any time. Oftentimes it’s meant with skepticism. So, I just don’t wanna add to it and I’m here as an actor.

“People like me as an actor. I would want to be the best ever I can be right now.

Baka Bet Mo: Ex-beauty queen Shaila Rebortera nag-post ng mga litrato na puro pasa ang braso, biktima nga ba ng pambubugbog?

“May nakita akong interview ni Tito Boy na yun nga, since we’re in showbusiness, we can’t really hide. So right now, who’s hiding?” pahayag pa ni Rob.

Aniya pa, inaayos pa nila ni Shaila ang kanilang mga isyu at umaasa siyang maibabalik uli sa dati ang relasyon nila lalo na bilang mga magulang ng kanilang anak.

Samantala, nilinaw din ni Rob ang mga tsismis tungkol sa kanila ni Herlene Budol, ang leading lady niya sa Kapuso series na “Magandang Dilag.”

Marami raw kasi ang nakakapansin na mas naging extra sweet at mas close na ngayon ang dalawa. Pero sey ng aktor, wala raw malisya ang kanilang friendship.

“Si Herlene po, actually, I like to believe na magkaibigan kami. Tropang tunay nga po yung describe niya sa akin, at napakabait po niya.

“At sana po, ako po’y…umaasa po kami na magkakaroon pa kami ng susunod na project,” ani Rob.

“Ano lang po siguro, dahil sobrang close lang namin and we are very comfortable with each other. Nakikita lang siguro on a social media perspective na baka there is something more? Pero so far, wala pa po.

“Siya po ay napakaganda at napakabait na babae. Madami po siyang pinanindigan na pinanindigan ko din, at natutuwa ako sa pagtrato niya sa mga tao around her. So, who wouldn’t fall in love with her, right?” pagpapakatotoo ni Rob.

Bibida si Rob Gomez sa “Rage” episode ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” na idinirek ni Joey de Guzman, under Regal Entertainment. Isa-submit ito para sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Shaila Rebortera mahigit 1 taon nagtiis sa pambubugbog, marami pang biktima ang ‘lumantad’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rob Gomez nag-sorry na kay Shaila Rebortera, gustong makapiling muli ang kanyang mag-ina: ‘I promise to keep my promises to you this time’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending