Rob Gomez nag-sorry na kay Shaila Rebortera, gustong makapiling muli ang kanyang mag-ina: 'I promise to keep my promises to you this time' | Bandera

Rob Gomez nag-sorry na kay Shaila Rebortera, gustong makapiling muli ang kanyang mag-ina: ‘I promise to keep my promises to you this time’

Ervin Santiago |August 28,2023
facebook
share this

Rob Gomez nag-sorry na kay Shaila Rebortera, gustong makapiling muli ang kanyang mag-ina: ‘I promise to keep my promises to you this time’

Ervin Santiago - August 28, 2023 - 10:38 AM

Rob Gomez nag-sorry na kay Shaila Rebortera, gustong makapiling muli ang kanyang mag-ina: 'I promise to keep my promises to you this time'

Rob Gomez, Shaila Rebortera at Baby Amelia

MATAPOS masuong sa kontrobersya dahil sa paglantad ng dati niyang karelasyong beauty queen na si Shaila Rebortera, may nakakaintrigang post ngayon sa social media ang Kapuso actor na si Rob Gomez.

Sa kanyang Instagram account kahapon, August 27, nagbahagi ang leading man ni Herlene Budol sa GMA series na “Magandang Dilag” ng throwback photos nila ni Shaila kasama ang anak nilang si Amelia.

Isang open letter ang kalakip ng mga nasabing litrato na kuha noong nagsasama pa sila bilang magkarelasyon.

Mababasa rito ang kagustuhan ng Kapuso actor na muling makasama ang kanyang mag-ina na tinawag pa niyang “My Princess” at “My Queen.”

Ito’y makalipas nga ang ilang linggo nang ma-involve sa kontrobersya si Rob dahil sa mga rebelasyon ni Shaila tungkol sa kanilang naging relasyon.

“I now understand why distance is the hardest thing to give family. This is my why, my princess, my queen, my sunshine and my world.

Baka Bet Mo: Rob Gomez may anak na kay Miss Millennial 2018 Shaila Rebortera

“My choice everyday, in this lifetime and the next. You are not an option for me to lose. I can’t wait to have you both back in my arms.

“I’m sorry I said yes to being single when I’m not. I promise to keep my promises to you this time. I love you and Amelia more than anything in the world!” ang kabuuang mensahe ni Rob para sa kanyang mag-ina.

Ang tinutukoy ng aktor ay nang mag-guest siya sa “Fast Talk With Boy Abunda” noong August 3, kung saan sumagot siya ng “yes” nang tanungin kung single siya ngayon.

Kasunod nito, bigla ngang nagsalita si Shaila sa pamamagitan ng kanyang social media account na may anak sila ni Rob bilang tugon naman sa sinabi nitong wala siyang karelasyon ngayon.

Sa isa pang IG post ni Shaila, ipinakita niya ang ilan niyang litrato kung saan makikitang may pasa ang ilang bahagi ng kanyang katawan. Kaya ang tanong ng mga netizens, sinasaktan ba siya ni Rob Gomez?

May isa pa siyang post sa IG kung saan mababasa ang mensaheng, “After over a year of being silent about the abuse, I’m happy I was able to speak the truth.

“Just hours after the photos of the bruises were uploaded, his mother asked me to say sorry in exchange for being able to stay with them.

“I decided to leave,” sabi pa ni Shaila.

Samantala, marami namang nakisimpatya sa pinagdaraanan ngayon ni Rob. Nagkomento rin nang positibo sa IG post ng aktor ang mga kapwa niya celebrities kabilang na ang leading lady niya sa “Magandang Dilag” na si Herlene, David Licauco, Gil Cuerva, Maey Bautista at Angela Alarcon.

Ruffa sa ‘kakambal’ na kontrobersya: Kung hindi ka na pinag-uusapan magtaka ka na, ibig sabihin laos ka na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ex-beauty queen Shaila Rebortera nag-post ng mga litrato na puro pasa ang braso, biktima nga ba ng pambubugbog?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending