Ex-beauty queen Shaila Rebortera nag-post ng mga litrato na puro pasa ang braso, biktima nga ba ng pambubugbog? | Bandera

Ex-beauty queen Shaila Rebortera nag-post ng mga litrato na puro pasa ang braso, biktima nga ba ng pambubugbog?

Ervin Santiago |August 08,2023
facebook
share this

Ex-beauty queen Shaila Rebortera nag-post ng mga litrato na puro pasa ang braso, biktima nga ba ng pambubugbog?

Ervin Santiago - August 08, 2023 - 11:19 AM

Ex-beauty queen Shaila Rebortera nag-post ng mga litrato na puro pasa ang braso, biktima nga ba ng pambubugbog?

Sheila Rebortera

BIKTIMA nga ba ng pambubugbog o domestic violence ang dating beauty queen na si Shaila Rebortera?

Hot topic ngayon sa social media partikular na sa pageant community ang mga ipinost na controversial photos (collage) ni Shaila kung saan makikita ang isang babae na puro pasa ang braso.

Hindi kita ang mukha ng girl sa mga nasabing pictures pero base sa mga nabasa naming comments mula sa netizens, naniniwala silang kay Shaila ang mga brasong may malalaking pasa.

May tatlong quotes na ginamit ang dating Miss Multinational Philippines 2021 sa caption ng kanyang Instagram Story. Ito ang mga sumusunod.

“It’s just social media.”

“I’m just protecting my career.”

“Let the show stay number one.”

Feeling ng mga social media followers ni Shaila, taga-showbiz ang pinatutungkulan niya sa kanyang post na mukhang takot maapektuhan ang kanyang career sa mga kontrobersiya.

Makikita ring naka-tag sa IG post ni Shaila ang handle name na “@robgomez.23” na kung hindi kami nagkakamali ay IG account ng Kapuso actor na si Rob Gomez na siyang leading man ni Herlene Budol sa seryeng “Magandang Dilag.”

Sa comments section, nag-iwan ng mensahe nakasama niyang kandidata sa sa Miss World Philippines 2021 na si Angelica Datu, “I hope you find justice and peace.”

Bukod dito, nag-post din ang dating beauty queen ng screenshot ng isang post sa isang apartment and condo rent community sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Baka Bet Mo: Rob Gomez hinding-hindi malilimutan ang ginawa sa kanya ni Tom Rodriguez sa loob ng elevator

Ang caption nito ay, “Looking for 1br-2br long term rent. Semi-furnished or fully furnished. Move in asap.”

Ngunit nang i-check namin ang mga naturang post ni Shaila ay wala na ang kanyang IG Story na naglalaman ng mga litrato ng babaeng may mga pasa.

Tsinek din namin ang social media account ni Rob pero wala siyang latest post.

Last August 4, ibinandera ni Shaila sa Instagram na may anak daw sila ni Rob. Ito’y matapos ang interview ng aktor noong Huwebes, August 3, sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Dito, sinabi ng leading man ni Herlene na “single” siya ngayon at kinabukasan nga ay lumantad si Shaila at inaming si Rob ang tatay ng kanyang anak.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Rob ay anak ng dating aktres at kapatid ni Gary Estrada na si Kate Gomez habang si Shaila naman ay nanalo ring Miss Millennial Philippines 2018 ng “Eat Bulaga” at Sinulog Festival Queen 2018.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Rob tungkol sa isyung ito.

Rob Gomez may anak na kay Miss Millennial 2018 Shaila Rebortera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene Magalona sa paghihiwalay nila ni Rob Mananquil: ‘Enough is enough…both of us are struggling na’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending