Herlene Budol pasok sa Top 15 finalists ng Miss Grand Philippines 2023, iba pang kandidata pinangalanan
INANUNSYO na sa Miss Grand Philippines 2023 coronation ang mga kandidata na pasok sa Top 15 finalist ng kompetisyon.
Narito ang kumpletong listahan:
- Tarlac – Francine Reyes
- Cagayan de Oro City – Nikki De Moura
- Urdaneta City – Faith Heterick
- Pampanga – Dynara Maurer
- Pangasinan – Rona Lalaine Lopez
- Sultan Kudarat – Dianne Pampura
- Socorro, Quezon City – Queen Mongcupa
- Caloocan City – Shanon Tampon
- Occidental Mindoro – Gabrielle Runnstrom
- Nueva Ecija – Aeroz Ganiban
- Caluya, Antique – Charie Manalo Sergio
- Bagumbayan, Quezon City – Michelle Arceo
- Northern Samar – Maria Gail Tobes
- Angono, Rizal – Herlene Budol
- San Juan – Arine Ejercito Tan (Ambassadress of Goodwill)
Para sa mga hindi pa masyadong aware, kasalukuyang ginaganap ang coronation night ng nasabing pageant sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
View this post on Instagram
Ang mga nangunguna bilang host ng nasabing event ay ang aktor na si EA Guzamn, Miss World Philippines alumnae na sina Shaila Rebortera, Janelle Lewis at Maria Gigante.
Ang kompetisyon ang kauna-unahang edisyon ng Miss Grand Philippines sa ilalim ng management ng ALV Pageant Circle matapos mag-withdraw sa prangkisa ang Binibining Pilipinas Charities Inc.
Ang magwawagi sa kompetisyon ngayong gabi ay kokoronahan ng reigning Miss Grand Philippines Roberta Tamondong ng San Pablo, Laguna.
Ang makakakuha ng naturang titulo ay ilalaban ng Pilipinas sa Miss Grand International 2023 competition na mangyayari sa Vietnam sa Oktubre.
Related Chika:
Neri isinilang na ang kanilang baby no. 2 ni Chito; Alexa pasok bilang celebrity housemate sa ‘PBB’
International runners-up makakabangga ni Herlene Budol sa 2023 Miss Grand Philippines pageant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.