Neri isinilang na ang kanilang baby no. 2 ni Chito; Alexa pasok bilang celebrity housemate sa 'PBB' | Bandera

Neri isinilang na ang kanilang baby no. 2 ni Chito; Alexa pasok bilang celebrity housemate sa ‘PBB’

Therese Arceo |October 09,2021
facebook
share this

Neri isinilang na ang kanilang baby no. 2 ni Chito; Alexa pasok bilang celebrity housemate sa ‘PBB’

Therese Arceo - October 09, 2021 - 02:28 PM

IBINAHAGI ng vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na nanganak na ang kaniyang beautiful wife na si Neri Miranda.

“Meet Manuel Alfonso Miranda aka Cash,” saad ni Chito sa IG kasama ang picture ng asawa at ng cute na cute nilang baby boy.

Madami naman ang nag-congratulate sa mag-asawa kasama na ang mga kaibigan nitong sina Kaye Abad, Iya Villania, at Melissa Ricks.

“Congrats!!!!” comment ni Kaye.

“Hello hello baby Cash!!!” saad naman ni Iya.

“Baby Cash! Hello!!!!” sey ni Melissa.

Kamakailan ay nag-trending si Neri matapos tulungan ang na-scam na bride na magkaroon ng magandang reception sa kaniyang restaurant sa Cebu.

Ito ay matapos mapanood niyang mapanood sa Inquirer.net ang video ng bride na nakilalang si Cherry Pie Purisima na humahagulgol matapos mapag-alaman na ang inaasahang reception matapos ang kaniyang kasal ay hindi na-book ng kaniyang wedding coordinator.

***

PASOK naman ang Kapamilya star na si Alexa Ilacad bilang isa sa mga celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother Season 10”.

Binansagan bilang “Smartistang Unica Hija ng Pasig”, masayang-masaya ang aktres sa balitang pasok na siya bilang isa sa mga housemates.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Looking forward ako na maipagluto ko sila, makasama sa mga tasks, at makagain ng bagong experience na madadala ko habang buhay,” saad ni Alexa.

Makakasama rin nito ang mga iba pang celebrity housemates na sina Alyssa Valdez, Madam Inutz, Samantha Bernardo, KD Estrada, Anji Salvacion, TJ Valderrama, Brenda Mage, at Eian Rances.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending