Herlene Budol sa ‘pempem’ ng ina humuhugot sa pagtanaw ng utang na loob
TAWANG-TAWA ang netizens sa naging sagot ng Kapuso actress at former beauty queen na si Herlene Budol sa kung ano ang kanyang inspirasyon sa pagtanaw ng utang na loob sa magulang.
Sa “Ano Na Tea” podcast nila ng “Unang Hirit” weather at sportscaster na si Anjo Pertierra ay nausisa siya tungkol sa pagtanaw ng utang na loob at kung hanggang kailan ito dapat tanawin.
“Kung usapang pagtanaw ng utang na loob sa magulang, number one ako d’yan!” saad ni Herlene.
“So, puwede bang humingi ng back story, saan mo hinuhugot ‘yan?” muling tanong ni Anjo.
Baka Bet Mo: Holloween 2024: Herlene nakitang pugot ang ulo ng hindi kilalang tao
View this post on Instagram
Aliw na sagot ni Herlene, “Sa sinapupunan ng nanay ko, sa pempem niya, Kasi siyempre doon ako nanggaling!”
Pagseseryoso niya, “Sa akin lang talaga, kahit anong mali ng magulang, magulang mo pa rin ‘yun. Kahi bali-baliktarin mo ‘yung mundo, magulang mo pa rin ‘yun. ‘Yung utang na loob, hinding-hindi mababayataran ng pera.”
Marami naman sa mga netizens ang magpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa usapin ng “utang na loob”.
“Sa amin we honor our parents it’s our obligation kasi dyan kami nang galing takot kami sa ruling araw na pinabayaan baka habang buhay pag sisihan.we do it with live and care,” saad ng isang netizen.
Kwelang sey naman ng isang netizen, “Huy Herlene hindi lang sa pempem ng nanay mo, sa sperm din ng tatay mo hahaha.””
“Responsibilidad ng magulang ang pakainin, pag-aralin ang mga anak pero kapag 18 yrs old na or tapos na sila mag-aral duon na matatapos ang responsibilidad dahil sila ay hindi na menor nasa tamang edad na sila para mag-isip pwede na din sila mamuhay ng sarili nila, pero kung wala naman na trabaho ang parents duon na papasok ang pagtulong sa magulang lalo kung madami naman kayo magkakapatid pwede naman pagtulungan lalo kung walang pension ang magulang.,” giit naman ng isa.
Dahil nga sa usaping utang na loob, nasama sa kanilang topic ang recent hot topic sa nangyari sa pagitan ng two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.