Rob Gomez hinding-hindi malilimutan ang ginawa sa kanya ni Tom Rodriguez sa loob ng elevator
HINDING-HINDI makakalimutan ng Kapuso actor na si Rob Gomez ang ginawa sa kanya ni Tom Rodriguez nang magkasabay at magkita sila sa elevator.
Fresh na fresh pa sa alaala ni Rob na anak ng dating aktres na si Kate Gomez at pamangkin ni Gary Estrada, ang naging unang encounter niya sa Kapuso actor at singer.
Kuwento ni Rob sa isang panayam, naging instant fan siya ni Tom dahil sa ipinakita nitong kabaitan sa kanya nu’ng magkasabay sila sa pagsakay ng elevator sa isang building.
“May bago pala akong favorite actor ng GMA. Ise-share ko lang ‘to kasi I had a really wornderful experience. Lumabas lang ako ng elevator, tapos binati niya ko,” pahayag ng aktor na bumida sa obra ni Erik Matti na “A Girl and a Guy” at sa GMA Telebabad series na “Mano Po Legacy: The Family Fortune.”
“I had a face mask and everything. Binati niya ako, ‘Hi.’ Sabi ko, ‘Hi po.’ Sabi niya, ‘I’m Tom.’ Gumanu’n siya. Sabi ko, ‘Hi po, I’m Rob. Yeah, I know you.’ Gumaganu’n ako kasi sikat siya,” pahayag ng Kapuso actor.
Patuloy pa niya, “Really si sir Tom Rodriguez, he was nice, sobrang bait. Nagulat din po ako. That certain kind of gesture, really stood out.
“Siya ‘yung unang actor na lalaki na gumanoon po saakin doon kaya nakakatuwa. It speaks a lot about a person,” papuri pa niya kay Tom.
View this post on Instagram
Aniya pa, “Sobrang natutuwa ako, as in. Sabi ko, ‘Wow, next level ka. I like you. Sana makatrabaho kita.’ Parang ganoon ‘yung dumating sa utak ko. Props to him. Sana marinig niya ito.’
Dagdag pang paglalarawan ni Rob sa Kapuso actor, “He’s so cool. I hope I get to work with him. Sana! I heard he’s good. I heard he’s a good actor. I love working with great actors.”
Samantala, looking forward din si Rob sa mga susunod niyang projects at sana raw ay mabigyan siya ng chance na makapag-action tulad ng kanyang mga kapamilya sa Estrada at Ejercito clan.
“I’m manifesting. I can’t make promises, only God knows. Hindi pa nasasabi sa akin pero nararamdaman ko na. Guys, please keep on supporting me,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/281881/bea-feeling-na-scam-nang-biglang-iwan-ni-gerald-hinding-hindi-na-magpapaloko-sa-lalaki
https://bandera.inquirer.net/286852/maxene-na-shock-may-nadiskubreng-koneksyon-sa-amang-si-francis-at-asawang-si-rob
https://bandera.inquirer.net/287368/jake-zyrus-hinding-hindi-malilimutan-ang-eksena-nila-ni-david-foster-sa-ospital
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.