Ruffa naiyak nang mapag-usapan ang domestic violence sa 'It's Showtime' | Bandera

Ruffa naiyak nang mapag-usapan ang domestic violence sa ‘It’s Showtime’

Therese Arceo |October 09,2021
facebook
share this

Ruffa naiyak nang mapag-usapan ang domestic violence sa ‘It’s Showtime’

Therese Arceo - October 09, 2021 - 03:40 PM

HINDI napigilan ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang maluha habang nagbibigay ng payo sa isa sa mga ReiNanay contestant na nakakaranas ng domestic abuse.

Amin niya, apektado siya sa kuwento ng isa sa mga ReiNanay contestant na patuloy na nagtitiis sa pananakit ng kaniyang asawa alang-ala sa mga anak.

“We deserve more than that so let’s love ourselves. Especially pagdating sa domestic violencr, wag nating hayaan na itrato tayo ng ganon ng mga asawa natin. Make a stand. We do have a choice in our lives and that choice is to leave that person that continues to hurt us,”saad ng aktres.

Dito nga ay nagsimula nang mabasag ang boses ng aktres habang kinakausap ang ReiNanay contestant.

“Naiintindihan ko na tinitiis mo ‘yung pananakit ng asawa mo dahil sa mga anak mo pero ako nagtiis rin ako noon. Pero there’s a time na we have to stop. Kaya natin ‘yan, nanay. Please wag n’yong hahayaang tratuhin kayo ng ganon,” umiiyak na saad ni Ruffa.

Hanggang ngayon ay paniguradong masakit pa rin para sa aktres sa tuwing naaalala niya kung ano ang sinapit sa dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Matatandaan na noong 2007 nang aminin ng aktres na biktima siya ng domestic violence ng dating asawa.

Ito nga ang naging rason ng aktres para tuluyang iwan ang dating asawa.

Kuwento pa nito noon, sinabihan niya ang inang si Annabelle Rama na hingin ang tulong ng dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo dahil pakiramdam niya ay maaari siyang mamatay sa kamay ng dating asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending