Herlene matapos bitawan ni Wilbert: Willing siyang tulungan ako

Herlene Budol matapos siyang bitawan ni Wilbert Tolentino: Willing pa rin po siyang tulungan ako…

Pauline del Rosario |July 28,2023
facebook
share this

Herlene Budol matapos siyang bitawan ni Wilbert Tolentino: Willing pa rin po siyang tulungan ako…

Pauline del Rosario - July 28, 2023 - 01:18 PM

Herlene Budol matapos siyang bitawan ni Wilber Tolentino: Willing pa rin po siyang tulungan ako…

PHOTO: Instagram/@herlene_budol

PINATUNAYAN ng actress-beauty queen na si Herlene Budol na walang sama ng loob sa pagitan nila ng talent manager na si Wilbert Tolentino.

‘Yan ay matapos magbitiw si Wilbert bilang talent manager ng dalaga.

Sa pamamagitan ng YouTube vlog, nilinaw ni Herlene na naiintindihan niya ang desisyon ng dating talent manager.

“May mga bagay lang po na dapat na mas unahin at i-priority talaga, ang kanyang health at ang kanyang family,” sey ng aktres.

Kasunod niyan ay ibinunyag niya na may pinag-usapan sila ni Wilbert na kung saan ay handa pa rin siyang tulungan nito.

Baka Bet Mo: Herlene Budol pinayuhang iwan na ang manager na si Wilbert Tolentino, pine-pressure nga ba?

Chika ng dalaga, “Base po sa pag-uusap namin, willing pa rin po siyang tulungan ako at andyan pa rin po siya anytime, anywhere, one call away.”

Kasabay niyan ay nagpasalamat siya sa dating talent manager at sinabi na tatanawin niyang utang na loob ang lahat ng ibinigay sa kanya.

“I love you so much Mima! Kulang ang salitang salamat sa lahat ng effort, oras at pagmamahal na binigay mo sakin,” mensahe ni Herlene para kay Wilbert.

Aniya pa, “Walang hangganan na pasasalamat at walang hanggan na pagmamahal ang kaya kong ibalik. Utang na loob ko ang lahat ng meron ako. Never say goodbye.”

Magugunita noong July 24 ay opisyal nang inanunsyo ni Wilbert sa social media na nag-resign na siya bilang talent manager ni Herlene.

Inisa-isa pa nga niya ang mga dahilan at kabilang na riyan ay ang pagnanais niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa sariling anak.

Paliwanag pa niya, talagang takaw oras ang pagma-manage ng talent at nauubusan na rin siya ng oras para sa sarili.

“Masaya ako para kay herlene dahil natulungan at natupad ko mga pangarap nya tulad ng Bagong Bahay, kotse at iba pang investment na e pundar po nya,” sey pa ni Wilbert.

Hiling rin niya sana’y isapuso at huwag kalimutan ng dalaga ang mga bagay na itinuro niya habang nasa ilalim pa ito ng kanyang management.

Related Chika:

Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending