Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang | Bandera

Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang

Therese Arceo |October 27,2022
facebook
share this

Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang

Therese Arceo - October 27, 2022 - 10:30 PM

Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang
INAMIN ng talent manager na si Ogie Diaz na tinanggihan niya ang perang ibinibigay ng kapwa talent manager na si Wilbert Tolentino sa kanya noong mag-collab sila.

Sa latest episode ng kaniyang YouTube vlog na “Showbiz Update” ay ibinahagi niya na maski raw siya ay inalok na bayaran ni Wilbert nang ma-interview niya ito sa kanyang vlog.

“Ako, ako mismo nung inofferan ako, sabi ko, wag ako, wag mo akong bayaran, pwede kang mag-donate na lamang sa Kasuso Foundation kasi hindi nga ako tumatanggap,” saad ni Ogie.

Ang foundation na tinutukoy ni Ogie ay ang foundation na kanyang sinusuportahan na ang adhikain ay tulungan ang mga cancer patients.

Pagpapatuloy pa niya, “So ‘yung kay mamshie, pinadirekta ko talaga ‘yung tseke na nakapangalan sa foundation. Alam ni mamshie yan. Wala akong tinanggap sa kanya, diretso talaga doon.

Pagkukwento pa nga ni Ogie, nang maantig ang puso ni Wilbert sa mga taong tinutulungan ng foundation ay muli itong nagpakita ng suporta at nag-donate.

Matatandaang mainit na pinag-uusapan hanggang ngayon sa social media ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Ito ay matapos ang pa-reveal ni Wilbert sa mga naging usapan nila ng social media influencer at ang kanyang sama ng loob dahil hinayaan daw nito na tawagin siyang user ng kanyang mga tagasuporta.

Pati nga ang isyu ng pagbabayad sa mga ka-collab ay naungkat sa naturang pasabog video ni Wilbert na siya ngang napag-usapan nina Ogie sa kanilang vlog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

“Bilang vlogger rin tayo, mayroon naman tayong kanya-kanyang diskarte, kanya-kanya tayong strategy kung paano tayo makakagawa ng content na at the end of the day, tataas ba ang views o babagsak ang views? Depende e.

“Ang mga netizens pa rin ang may karapatang pumindot kung gusto nilang panoorin ang isang vlog,” sey pa ni Ogie.

Related Chika:
Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending