Wilbert Tolentino may hugot sa mga 'user' at 'pa-victim', patama kay Zeinab Harake? | Bandera

Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

Therese Arceo |October 20,2022
facebook
share this

Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

Therese Arceo - October 20, 2022 - 01:49 PM

Wilbert Tolentino may hugot sa mga 'user' at 'pa-victim', patama kay Zeinab Harake?
USAP-USAPAN ngayon kung sino nga ba ang pinatatamaan ng vlogger at talent manager na si Wilbert Tolentino.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang kanyang hugot patungkol sa mga taong magaling magpa-victim.

Sa kanyang Facebook page ay inihayag ni Wilbert ang kanyang saloobin ukol sa mga ganoong klaseng tao.

Umpisa niya, “Ganun tlaga may mga tao tlaga na sobrang galing mag paikot ng tao sa social media.”

Pagpapatuloy pa ni Wilbert, “Magaling mag pavictim na kaya nya gamitin ang sariling trahedya for views and popularity.”

Sey pa niya, ang taong ito raw ay magaling manghikayat ng mga tao para kampihan siya pero sa totoo lang ay may attitude ito.

“Kaya nya mang hikayat ng iba para kampi nya kahit cya naman talaga may problema…bait baitan sa harap ng camera kahit attitude in real life at higit sa lahat USER. Kaya gumising kayo,” hirit pa ni Wilbert.

Napa-react naman ang mga netizens sa post ng talent manager nina Madam Inutz at Herlene Budol at tila iniuugnay ang kanyang post sa social media influencer na si Zeinab Harake.

May pagkakahawig kasi ang post ni Wilbert sa naging hugot ni Zeinab noong nakaraang linggo.

Ito ay patungkol sa mga taong darating daw sa buhay ng isang tao at malalaman na lamang sa dulo na niloloko lamang siya at wala siyang kaalam-alam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

“Kaya gumising kayo di nyo kailangan ng mga taong uubusin lang ang lakas nyo mas piliin nyo yung mga taong kahit nasa boring at hardest part na ng buhay natin eh anjan padin sa tabi natin kahit walang kapalit kasi sila yung habang buhay mananatili sa tabi mo kahit talikuran kapa ng mundo,” chika pa ni Zeinab.

Mas umigting pa ang hinala ng mga netizens na may kinalaman nga kay Zeinab ang post ni Wilbert nang magkomento si Skusta Clee.

“Kalma ma!” maikling sabi ng dating karelasyon ni Zeinab.

Nag-comment rin ang dating kaibigan ni Zeinab na si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl.

“Parang naiyak ako nung nabasa ko ‘to. hayaan mo may hangganan din lahat ng masasama. Love you ma labaaaan,” sey naman nito.

Samantala, wala namang kumpirmasyon mula sa kampo ni Wilbert kung totoo nga ba ang chika na si Zeinab nga ba ang tinutukoy nito.

Matatandaang dati ay madalas magkasama ang dalawa lalo na noong nagsisimula pa lang ang talent manager sa pagpasok sa mundo ng vlogging.

Ngunit kapansin-pansin na tila hindi na madalas magkasama sina Wilbert at Zeinab matapos ang kontrobersyal nitong pakikipaghiwalay sa Ex-Batallion member na si Skusta Clee.

 

Related Chika:
Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Tolentino may hugot sa taong matigas ang ulo, may pinatatamaan nga ba?

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending