Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee | Bandera

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Reggee Bonoan |July 17,2022
facebook
share this

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Reggee Bonoan - July 17, 2022 - 10:59 AM

Skusta Clee at Zeinab Harake

SA bagong vlog ni Bea Alonzo ay special guest ang kilalang content creator na si Zeinab Harake na may 12.8 million subscribers sa YouTube at dito ay inamin ng vlogger na gusto niya ng boyfriend na pogi.

Obviously, gusto nang baguhin ni Zeinab ang taste niya sa lalaking mamahalin dahil ang nakaraan niyang karelasyon at ama ng mga anak niyang sina Bia at ang nawalang si Moon na si Scusta Clee o Daryl Ruiz in real life ay hindi naman kaguwapuhan.

Anyway, sumalang sa legit lie detector test challenge si Zeinab sa vlog ni Bea na tuwang-tuwa dahil pumayag ang sikat na vlogger na mag-guest sa YouTube channel niya.

“Gusto kong lumabas ‘yung totoo!  Di ba, walang lie-lie ako sobrang totoo ko,” bungad ni Zeinab. “Excited talaga ako, ang saya first time kong gagawin ‘to!”

Unang tanong ni Bea kung type ni Zeinab na sumali ulit sa beauty pageant tulad ng Binibining Pilipinas. Dati kasing kontesera ang huli sa Parañaque kung saan nanalo siyang Binibining Parañaque at Miss Kalikasan sa Bacoor, Cavite.

Tumanggi na si Zeinab, “No, hindi na ako ano (interesado) do’n, saka hindi kaya ng utak ko. Ha-hahaha! ‘Wag na nating ipilit.”

Nag-thumbs-up naman si Claire, ang polygraph expert mula sa Eye Spy detective investigator na mostly ang client nila ay government agencies.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Nabanggit din na may planong dagdagan ni Zeinab ang tattoo nito bago siya tumuntong ng edad 30. Tanong ni Bea, “Hindi ba masakit?”

“Masakit pero nag-e-enjoy ako sa sakit,” natawang sagot ni Zeinab.

Nag-thumbs-down ang polygraph expert sa sagot nitong “No” sa tanong kung na-feel niyang hindi siya paborito ng pamilya as middle child.

Sobrang down to earth si Zeinab dahil hindi niya kino-consider ang sarili na sikat na celebrity o vlogger kahit nagkalat na sa mga highway ang first billboard niya para sa isang beauty product.

“Oo kahit (may billboard), okay lang ako nahihiya pa rin ako,” mabilis na sagot nito at nag-thumbs-up naman ang polygraph expert.

Pero inamin nitong kontrobersyal siyang tao at kahit hindi siya vlogger ngayon ay makakamit niya ang success na mayroon siya ngayon. “Yes kasi madiskarte ako sa buhay,” diretso nitong sabi.

May mga hindi gustong kapwa vlogger si Zeinab dahil hindi naman daw lahat magugustuhan talaga at hindi rin niya kino-consider na magaling siya sa pinasok niyang propesyon kahit may 12.8 million siyang subscribers.

“Ewan ko nga kung bakit minsan nagtataka rin ako kung totoo ba ‘tong subscribers ko? Pero thankful ako kasi grabe ‘yung love nila sa akin, eh,” paliwanag ng kontroberysal na personalidad.

Sa tanong ni Bea kung may advantage ang pinagdaanan niya para makakuha ng atensyon ng viewers at para dumami ang subscribers niya, “Yes kasi maraming tsismoso’t tsismosa dito sa Pilipinas,” diretsahan nitong sabi at thumbs-up ulit ang resulta.

“Was there a time na ginamit mo ang mga personal na pinagdaanan mo para mai-content sa vlogs mo?” tanong ni Bea.

“No! Never!” mabilis nitong sagot at thumbs-up ulit si Zeinab.

Pero nahuling nag-lie si Zeinab sa tanong kung may kilala siyang vlogger na ginagaya siya na sinagot niya ng “No” at hindi niya alam. Ang totoo ay meron pero hindi niya kilala.

Napunta na ang usapan sa dating at relationship at inamin ni Zeinab na napapagod na siyang pag-usapan ang ama ng mga anak niya.

At sobrang bilis ng sagot na “Yes” sa tanong kung mas gaganda ang buhay niya ngayong wala na ang ex-boyfriend niyang si Scusta Clee.

“Wala na kasi ‘yung araw-araw na pressure na iisipin mo ‘yung kailangan mong unahin ‘yung ibang tao kaysa sa sarili mo. Ngayon parang mas uunahin mo na ‘yung sarili mo plus ‘yung mga taong kailangan ka. Hindi ako perfect pero wala akong pagkukulang (sa ex),” pahayag ni Zeinab

At sa susunod na makikipag-relasyon si Zeinab ay mas pipiliin na niya ang career over love na sabi naman ni Bea, “Kasi mommy ka na.”

Itinanggi nu’ng una ni Zeinab na may nanliligaw sa kanyang celebrity pero thumbs-down ang sagot kaya nagkatawanan sila ni Bea.

“Dating-dating palang getting to know lang hindi pa ‘yun ang priorities ko ngayon.  Puwede mo naman bigyan ng slight ‘yung sarili ko ngayon, ‘yung may kilig-kilig,” katwiran nito,

Sa tanong kung mai-in love ulit si Zeinab Harake ay ano ‘yung hinahanap niya, “Yung kaya akong respetuhin saka tanggapin kami ng mga anak ko. Gusto ko nang ma-try (hanap ng guwapo). Ha-hahahaha!”

Tawang-tawa rin si Bea, “Huy, ang daming guwapo diyan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mukha lang po akong malandi pero pag nilalandi na ako at nandidiyan na (dedma na). Medyo takot pa ako konti,” katwiran ni Zeinab.

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube?

Ogie Diaz pinayuhan sina Zeinab at Skusta, ‘wag nang idamay ang anak sa iskandalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending