Wilbert Tolentino may hugot sa taong matigas ang ulo, may pinatatamaan nga ba? | Bandera

Wilbert Tolentino may hugot sa taong matigas ang ulo, may pinatatamaan nga ba?

Therese Arceo |September 16,2022
facebook
share this

Wilbert Tolentino may hugot sa taong matigas ang ulo, may pinatatamaan nga ba?

Therese Arceo - September 16, 2022 - 07:01 PM

Wilbert Tolentino may hugot sa taong matigas ang ulo, sino kaya ang pinatatamaan?
PALAISIPAN ngayon sa mga Marites kung sino nga ba ang tinutukoy ng vlogger at talent manager na si Wilbert Tolentino na taong may “katigasan ng ulo”.

Tila may laman kasi ang Facebook post nito noong Huwebes, Setyembre 15.

Ani Wilbert, “Something to ponder : Kung may problema ka sa trabaho or may ugali kang katigasan ng ulo kht saan ka pa lumipat at napadpad ka sa bago mong Superior, Ganun lang din iho at iha.”

Dagdag pa niya, “Binitbit mo lang din ang problema mo dto sa akin at pinasa mo lang sa bago mong Management.”

Walang pangalang binanggit si Wilbert sa kanyang post kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens kung sino sa mga alaga niya ang pinatatamaan niya.

Ilan sa mga kilalang personalidad na kanyang inaalagaan ay ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Madam Inutz at ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

Nang silipin namin ang comments sa post ni Wilbert ay marami ang kumukumbinsi sa talent manager na mag-name drop kung sino nga ba ang tinutukoy nito.

May ilan rin na nagsasabing huwag na lamang niya itong pansinin dahil maaaring makadagdag lamang ito sa kanyang stress lalo na’t kakagaling lang nito sa ospital.

May ilan naman na nananalangin na sana ay huwag namang si Herlene ang taong tinutukoy sa kanyang post.

Matatandaang lately ay naging maingay ang pangalan ng alaga ni Wilbert matapos siyang maging isa sa mga personalidad na pinag-usapan sa online show nina Cristy Fermin na “Showbiz Now Na”.

Ayon sa kolumnista, nakikita niya na magiging problema o sakit ng ulo si Hipon Girl sa kanyang manager lalo na at naiintriga ito na lumaki na ang ulo at nagbago na ang ugali.

Nilinaw naman ni Herlene na walang katotohanan ang chika na nagbago na siya. Nagkaroon lang daw ng ayos ang kanyang karera nang i-manage siya ni Wilbert at hindi tulad noon na panay oo lang siya kung saan siya maimbitahan.

Hanggang ngayon ay wala namang imik ang talent manager kung sino nga ba ang kanyang tinutukoy. Pwede rin kasing wala naman talaga siyang pinatutungkulan ay naisip niya lang magbahagi sa kanyang Facebook friends.

Samantala, may isa pa siyang post patungkol naman sa pagbabago.

“Something to ponder : kung tumutok ka sa sarili mong pananaw at sarili mong resulta, hindi ka magbabago. kung tumutok ka sa pagbabago, magkakaroon ka ng magandang resulta,” sey ni Wilbert.

Related Chika:
Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Wilbert umapela sa kumu voting sa ‘PBB’: Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol naiyak sa ibinigay ni Wilbert Tolentino: Hindi pa ako nakakapagbigay ng ganyang halaga

Wilbert Tolentino kay Madam Inutz: Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending