Wilbert Tolentino kay Madam Inutz: Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025 | Bandera

Wilbert Tolentino kay Madam Inutz: Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025

Therese Arceo |December 24,2021
facebook
share this

Wilbert Tolentino kay Madam Inutz: Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025

Therese Arceo - December 24, 2021 - 09:11 AM

 Wilbert Tolentino kay Madam Inutz" Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025

TULOY pa rin ang laban ng talent manager na si Wilbert Tolentino para sa kanyang alagang si Madam Inutz na isa sa mga nominado at nanganganib na mapalabas sa “Pinoy Big Brother” house.

Noong nakaraang araw ay nanawagan si Wilbert sa “PBB” na kung maaari ay i-donate na lamang sa mga nasalanta ng bagyong Odette ang pera kesa ipang-boto dahil marami sa mga Pilipino ang mas nangangailangan nito.

Marami pa nga ang nag-akala na suko na si momshie Wilbert sa alaga dahil marami na rin ang inilabas nitong pera para mailigtas siya noong unang beses itong ma-nominate pero ngayon nga ay muling lumalaban si momshie Wilbert para sa alaga at sa pangarap nito.

Sa Twitter ay muling nagpahayag ng suporta ang talent manager para sa pinakamamahal na alaga.

“Hitting two birds in one stone does not diminish my personality. Nakatulong ako sa platform ng PBB sa anunsyo nila mapupunta sa bagyong Odette at the same time nakatulong ako kay Madam para sa pamilya niya. kahit tissue nalang ulam ko hanggang 2025,” saad ni Wilbert.

Marami namang mga netizens ang nangne-nega sa talent manager at sinabing “unfair” daw ang paglalabas niya ng pera para lang mailigtas ang alaga.

“Ang daming Marites! Kalma lang po. para sa inyo eto. Kayo din tumulak sa akin ilaban si Madam kaya deserve niya tulungan ko siya para sa pamilya nya. Love u all,” sey ni momshie Wilbert.

Nagpasalamat rin ito sa mga kaibigang vloggers at kapwa social media influencers na nagpahayag ng pagsuporta sa kanyang alaga gaya nina Zeinab Harake, Jelai Andres, Angelica Yap, at Chad Kinis.

Nanawagan rin siya na tulungan ang kanyang kaibigang si Sam Bernardo na isa rin sa mga nominadong housemates at posibleng mapalabas ng Bahay ni Kuya.

“Sisterakas ko si Sam. deserve nya rin tulong ko. wag na sayangin ang dias for BBE. e BBS nyo nalang manok nyo. paniwalaan nyo ako. may good at bad karma,” saad ni momshie Wilbert.

Anyway, ito na raw ang magiging huling nominasyon at dalawa ulit ang nanganganib na mapalabas sa pinakasikat na bahay sa buong bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sino nga kaya kina Alexa Ilacad, Anji Salvacion, KD Estrada, Madam Inutz, at Sam Bernardo ang lalabas at magkakaroon ng chance na i-celebrate ang bagong taon sa outside world?

 

Related Chika:
Wilbert umapela sa kumu voting sa ‘PBB’: Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending