Wilbert umapela sa kumu voting sa 'PBB': Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong | Bandera

Wilbert umapela sa kumu voting sa ‘PBB’: Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong

Therese Arceo - December 21, 2021 - 10:27 PM

Wilbert umapela sa kumu voting sa 'PBB': Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong

TRENDING ngayon ang talent manager na si Wilbert Tolentino matapos ang kanyang panawagan sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother Kumunity 10”.

Muli na naman kasing nominado ang kanyang alagang si Madam Inutz at nanganganib na mapalabas at hindi mapabilang sa Big 4.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa naturang show.

Ani Wilbert, “PBB, butas na ang bulsa ng mga taong bayan. Pwede po bang i-donate na lang natin sa [mga nasalanta ng] bagyong Odette? Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong.

Para kay Wilbert, mas maigi na itulong na lamang sa mga taong naapektuhan ng bagyo na nawalan ng tirahan at hirap sa supply ng pagkain at tubig.

Nabanggit rin nito ang hirap na dinadanas ng mga nano-nominate at ang pag-aaway away ng mga fandoms para iligtas ang kanilang mga sinusuportahang housemates.

“Kawawa din mga housemates na paulit-ulit na nominate weekly. Nagkakagulo pa ang mga fandom sa halip na kailangan nating magkaisa,” dagdag pa nito.

Matapos ang isang oras ay muli na namang nag-tweet si Wilbert patungkol pa rin sa pagliligtas ng mga nominated housemates.

“Torture sa aming mga admin ng bawat housemates mga na nominee. Hindi man lang ma-enjoy ang Pasko dahil kailangang gumastos para ma-save ang mga manok nila sa PBB.

“Samantalang libo-libong pamilya sa Visayas region ang tinamaan sa bagyong Odette na mas kailanganng tulong ng bawat isa. Ang saya saya!” muling tweet ni Wilbert.

Mukhang labis na nalilito na si Wilbert kung uunahin ba nitong isalba ang kanyang alaga o gastusin na lamang ang pera pambili sa mga pangunahong pangangailangan ng mga Pilipino sa Visayas at Mindanao.

Bukod kasi sa pagiging talent manager niya at pagiging entrepreneur ay isa ring philanthropist si Wilbert kaya hindi kataka-taka na ito ang naging panawagan niya.

Mahal niya ang alaga niya at paniguradong ilalaban niya ito hanggang dulo ngunit ang tanging pumipigil sa kanya ay ang nangyaring pananalasa ng bagyong Odette.

Matatandaang noong unang beses na ma-nominate si Madam Inutz ay nagbagsak siya ng 64 million diamonds o halos isang milyong piso.

Marami rin sa mga netizens ang nagsabi na mas maigi kung ibibigay na lang niya ang gagastusin niya sa mga nangangailan o kaya ay kay Madam Inutz dahil kung tutuusin daw ay mas malaki pa ang nagastos niya kaysa sa mapapanalunan ng alaga kung sakali.

“‘Yung million na gastos mo kay madam inutz bigay mo na lang sa kanya. Mas makakatulong pa sa kanila ‘yun,” saad ng isang netizen.

“‘Yung pambili po ninyo ng dias kay madam to save her, itulong na lang po ninyo sa nasalanta ng bagyo. Sure na sure mas gugustuhin po iyon ni Madam,” sabi pa ng isang netizen.

Pero sa huling tweet ni Wilbert ay tila nagpaparamdam na ito na isusuko na niya ang laban para kay Madam Inutz.

“Pagoda harrison na po ako. Goodluck po at advance goodluck po sa mananalo for this 8th eviction night. I need a breal this time for my health.

“Sa mga lalaban para kay Madam Inutz thank you po and good luck to sis Samatha,” sey ni Wilbert.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung susuko man ang talent manager ay paniguradong maiintindhan ito ng kanyang alaga.

Bukod dito, marami na rin namang blessings na natanggap si Madam Inutz pero kung para sa kanya talaga ang pagiging parte ng Big 4, matutupad at matutupad ito.

Related Chika:
Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She’s still one of my Big 4

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending