Herlene Budol naiyak sa ibinigay ni Wilbert Tolentino: Hindi pa ako nakakapagbigay ng ganyang halaga | Bandera

Herlene Budol naiyak sa ibinigay ni Wilbert Tolentino: Hindi pa ako nakakapagbigay ng ganyang halaga

Therese Arceo |March 09,2022
facebook
share this

Herlene Budol naiyak sa ibinigay ni Wilbert Tolentino: Hindi pa ako nakakapagbigay ng ganyang halaga

Therese Arceo - March 09, 2022 - 09:40 PM

Herlene Budol naiyak sa ibinigay ni Wilbert Tolentino: Hindi pa ako nakakapagbigay ng ganyang halaga

TINUPAD ni Momshie Wilbert Tolentino ang pangako niya kay Herlene Budol o mas kilala bilang Hipon Girl na dadalawin niya ito sa kanilang bahay sa Rizal.

Sa last vlog ng entrepreneur at philanthropist ay ibinahagi nito ang kanilang pagbisita sa dalaga pati na rin sa lolo at lola nito.

Noon kasing una silang mag-collab para surpresahin ang alaga nitong si Madam Inutz sa Cavite ay sinabihan niya si Herlene na sa susunod ay ang grandparents naman niya ang dadalawin nito.

“Six months ago, nag-collab kami ni Hipon at Madam Inutz, kung napanood n’yo ‘yung content namin, nagpasama ako kay Hipon dahil medyo mahina si ka-freshness sa daanan.

“Alam naman niya na malapit sa puso ko ang mga nakatatanda sa akin. I always give respect sa mga elders. Nung nagbigay ako ng kaunting financial support para kay Nanay, si Hipon napangakuan ko na dadalaw kami kay lolo at kay lola,” saad ni Wilbert.

Aniya, natutuwa daw siya kay Herlene dahil pamilya palagi ang inuuna ng dalaga at hindi nito nakakalimutan ang mga nagpalaki sa kanya.

Marahil ay isa rin ito sa kanyang mga nagong rason kung bakit niya rin kinuha bilang bagong alaga ang dalaga kasama ni Madam Inutz.

Kwento pa ni Wilbert, napngakuan rin daw niya si Herlene na bibigyan niya ito ng bahay gaya ng kanyang ginawa kay Madam Inutz pero bago iyon ay nais muna niyang kilalanin ang dalaga.

Nang makarating nga sila sa bahay ng dalaga ay agad na nagbigay respeto ang talent manager sa mga nagpalaki kay Hipon Girl.

Nagkaroon rin sila ng short house tour hanggang sa ibigay na nga ni Wilbert ang kanyang sorpresa para sa matatanda dahil may pupuntahan rin silang trabaho pagkatapos ng pagbisita sa Rizal.

Kitang kita naman sa lolo ni Herlene ang saya at mangiyak-ngiyak pa ito habang hawak ang kamay ni Wilbert.

“Walang iiyak. Happy lang tayo. Gusto ko pong punuin ‘yung paninda ng tindahan,” saad ni Wilbert sabay abot ng P200,000 sa matatanda.

Happy naman si Herlene sa sorpresa ng kanyang talent manager sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

“Ngayon lang sila nakahawak ng ganyang pera. Dati kapag magbibigay ako, pang-ulam lang nila, pang kain. Hindi pa ako nakapagbibigay ng ganyan kalaking halaga,” pagbabahagi ni Hipon Girl.

Sa huli ay tuluyan na ring naiyak si Herlene habang inaalala nila kunt paano siya lumaki sa poder ng kanyang lolo at lola.

“Kaya sabi ko, hangga’t nabubuhay ako, ibabalik ko sa kanila lahat ng sakripisyo nila sa akin kasi sila yung nagpalaki sa akin,” sey ni Hipon Girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ni Herlene, “Thank you kasi napasaya mo sila. Salamat po.”

Nangako naman si Wilbert na muli niyang dadalawin ang matatanda at aalagaan niyang mabuti ang talent niyang si Hipon Girl.

Related Chika:
Herlene Budol bumuwelta sa mga ‘golden bashers’; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex
Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending