Herlene Budol bumuwelta sa mga 'golden bashers'; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex | Bandera

Herlene Budol bumuwelta sa mga ‘golden bashers’; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex

Ervin Santiago |July 27,2021
facebook
share this

Herlene Budol bumuwelta sa mga ‘golden bashers’; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex

Ervin Santiago - July 27, 2021 - 08:37 AM

MARAMING naawa at na-touch sa panayam ni Toni Gonzaga sa dating co-host ni Willie Revillame sa programang “Wowowin” na si Herlene Budol o mas kilala bilang si “Hipon Girl”.

Dito kasi naikuwento ng dalaga ang pinagdaanang hirap ngayong panahon ng pandemya kung saan naubos daw ang lahat ng naipon niyang pera dahil sa kawalan ng regular na trabaho at iba pang karaketan.

Natanggal na rin kasi siya sa programa ni Willie sa GMA makalipas ang dalawang taon dulot na rin ng pagbabawal sa mga live shows sa telebisyon. 

Ginawa naman daw ni Herlene ang lahat ng makakaya niya para masuportahan pa rin ang kanyang pamilya pati ang ilang mga kamag-anak kabilang na ang online selling pero hindi din daw siya sinuwerte.

Inamin naman ng komedyana na may pagkukulang din siya sa nangyari dahil nakampante siya na palaging may darating na biyaya at oportunidad sa kanya noong kasagsagan ng kanyang career bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Ngunit kung may naawa kay Hipon Girl meron ding nam-bash sa kanya na nagsabing kasalanan din niya ang nangyari kaya tigilan na niya ang paiyak-iyak at pagpapaawa sa publiko. 

Nag-feeling sikat daw kasi siya kaya nakarma ang career niya, ang sabi pa ng mga “golden bashers” sa Kapuso comedienne.

Nang makarating kay Herlene ang pangnenega sa kanya ng ilang haters, sinagot niya ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story.

Ayon kay Herlene, hindi niya talaga napigilan ang maiyak habang kausap si Toni sa vlog nito dahil sa sobrang panghihinayang pero never daw siyang nagreklamo sa mga nangyari sa kanya.

Narito ang bahagi ng naging bwelta ni Hipon Girl sa lahat ng mga nangnenega sa kanya, “KAYA PO AKO NAG KWENTO KASE PO TINANONG PO AKO.

“KAYA PO AKO UMIYAK KASE NAKAKAIYAK PO.

“KAYA NAMAN PO AKO NAG NEGOSYO KASE NAG TRY PO AKO PERO LUGI.

“AT ARAW ARAW PO AKO NAG PAPASALAMAT SA KUNG ANONG MERON PO AKO.

“SANA PO PINANOOD NYO PO NG BUO AT DI PO AKO NAGREREKLAMO KASE ALAM KONG HINDI LANG PO AKO ANG NAAPEKTUHAN NG PANDEMIC GOD BLESS,” ang pahayag pa ng host at komedyana.

Kasunod nito, nagpasalamat uli si Herlene kay Toni dahil sa kabaitan nito. Nangako kasi ang actress-TV host na lahat ng kikitain ng kanilang video ay ibibigay lahat sa kanya.

Todo rin ang pasasalamat niya sa mga magulang nina Toni at Alex Gonzaga dahil sa kabutihan na ipinakita ng mga ito sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tsaka Mommy Pinty, tsaka kay Daddy Bonoy dahil sila yung nanay tatay. Sana po huwag kayong mamatay. I love you po,” ang umiiyak pang mensahe ni Herlene.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending