Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush! | Bandera

Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Ervin Santiago |October 31,2021
facebook
share this

Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Ervin Santiago - October 31, 2021 - 08:42 AM

Herlene Budol at Alden Richards

KNOWS n’yo ba mga besh na hindi pa pala ready ang Kapuso comedienne at TV host na si 
Herlene Budol o mas nakilala sa tawag na “Hipon Girl” na makipaghalikan on screen.

Iyan ang inamin ng dalaga nang matanong kung game ba siyang makipag-kissing scene sa mga susunod niyang proyekto sa telebisyon at pelikula.

In fairness naman kay Herlene, talagang sunud-sunod ang mga proyekto niya ngayon sa GMA kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa network na nagbigay sa kanya uli ng chance matapos mawala sa “Wowowin” ni Willie Revillame.

Last Saturday lang ay ipinalabas ang life story ni Herlene sa Kapuso weekly drama anthology na “Magpakailanman” na siya mismo ang gumanap na pinuri naman ng mga manonood.

Ayon kay Herlene, nahirapan daw siya nang bonggang-bongga nang gampanan niya ang sarili sa kanyang first major role sa telebisyon.

“Mas mahirap palang gampanan yung sarili mo lalo na pag nagpa-flashback sa ‘yo yung mga throwback (past experiences)  na ayaw mo nang magbalik,” ani Herlene sa isang panayam.

Pagpapatuloy pa ni Hipon Girl, “Major role, kasi buhay ko, ang hirap pala nu’n yung gampanan mo yung sarili mo, bilang ikaw talaga. Inisip ko nga, e, ito na naman yung sakit ng ulo ko, naka-move on na ako dito, naalala ko na naman.”

Hipon Girl handang magpasampal kay Bea; Julia atat na atat na kay Gerald

Sa isa namang Facebook live video ay nabanggit nga ng komedyana na hindi pa siya handang sumabak sa mga kissing scene o love scene sa teleserye at pelikula.

“Ayoko, nahihiya ako! Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush. Hindi ko ma-imagine na may ka-kissing scene ako!” ang tawa nang tawang sabi ni Herlene.

Pero nabanggit ng TV host-comedienne na kung kakailanganin daw ay may mga Kapuso actors siyang type makaeksena.

“Ayoko. Ayoko! Ha-hahaha! Joke lang! Pero sina Dennis Trillo, Ruru Madrid at Alden Richards…kinikilig ako sa kanila!” Chika pa ni Hipon Girl.

Isa pa raw sa pangarap niya ay ang makatrabaho ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, “Idol ko yun, dati kasi nanonood ako ng Darna, so ano si Marian Rivera. 

“Dati umiiyak pa ako, sabi ko, ‘Gusto ko maging Darna, bakit ayaw niyo ako gawing Darna,’ pero 12 year old pa lang ako noon,” pagbabalik-tanaw pa ni Herlene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ngayon si Herlene sa Kapuso drama anthology series na “Stories from the Heart: Never Say Goodbye” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Ito’y pinagbibidahan nina Jak Roberto, Klea Pineda, Lauren Young at marami pang iba. 

Herlene Budol naubos ang ipon: Umiiyak ako araw-araw, ayokong magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending